259 total views
Dapat igalang at papurihan ang mga “solo parent”.
Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa usapin ng pagiging solo parent ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na ginawang biro ni Senador Vicente Sotto III sa pagdinig ng Commission on Appointment.
“Ang isang value doon…anak yan and may respeto tayong ibibigay doon sa magulang niyan, pati doon sa anak dahil hindi niya kasalanan yun. Pati sa babae na nanganak …single parent respect should also be accorded to that one. Kasi kung pupuntahan mo naman ang teaching ng Amoris Laetitia (The Joy of Love) wala doong condemnation. In fact, yung mga ganitong set-up tinutulungan ng simbahan. The church journeys with his people, help them by means of spiritual intervention,” paliwanag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas
Ang pahayag ni Sotto ay umani ng negatibong komento sa social media sa kabila ng kanyang paghingi ng paumanhin.
Ipinaliwanag ni Father Secillano na ang paggalang sa mga solo parent ay hindi nangangahulugang dina-downplay mo ang sanctity of marriage.
Aminado naman si Father Secillano na kabilang sa dapat bigyan tugon ng simbahan at gobyerno ang pagbibigay ng edukasyon hinggil sa usapin ng pre-marital sex na naging dahilan ng pagiging single parent.
“That is a fact or a reality that we have to contend with so. Despite marriage perse but let just focus on the other side of it that we need to respect also all those who are single parents …born out of wedlock,” ayon kay Fr. Secillano
Kaugnay nito, naninindigan si National Anti-Poverty Commission chairman Liza Maza na hindi hindi dapat maliitin ang mga taong mag-isang nagtataguyod ng pamilya sapagkat taglay nila ang katapangan at determinasyon ng isang ama’t ina.
Sa tala umaabot sa 13.9 milyong Filipino o 15 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang solo parent o mag-isang nagtataguyod ng kanilang pamilya.
Sa bisa naman ng Solo Parent’s Welfare Act of 2000 o RA 8972 ay nakakatanggap ng ayuda ang mga solo parent tulad ng flexible work schedule, no work discrimination, at parental leave na may kaukulang bayad at mandatory allowances sa loob ng isang taon.
Una nang nagpakita ng paghanga ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga single parent dahil sa katatagan na kanilang ipinamamalas at naniniwalang gagantimpalaan sila ng Diyos sa hinaharap.