Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi sapat ang tapang kontra terorismo

SHARE THE TRUTH

 372 total views

Mga Kapanalig, nagbanta ang Philippine National Police o PNP na biláng na raw ang mga araw ng grupong Abu Sayyaf. Matatandaang noong Martes Santo, inatake ng bandidong grupo ang bayan ng Inabanga sa Bohol, at sa kanilang engkuwentro sa mga pulis at mga sundalo, apat na miyembro ng Abu Sayyaf, tatlong sundalo, at isang pulis ang namatay. May dalawang matandang sibilyan ang nadamay at nasawi sa bakbakan.

Bahagi na ng kasaysayan ng mundo ang karahasan, at ang mukha nito sa kasalukuyang panahon ay ang terorismo. Matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang maraming grupong binuo na may layuning maghasik ng lagim. Mayroong ilang gumagamit ng karahasan upang kumita sa pamamagitan ng pagkidnap, at ganito ang tingin ng ating pamahalaan sa grupong Abu Sayyaf. Mahirap alamin kung ano talaga ang nag-uudyok sa mga terorista para gumawa ng karumal-dumal na gawain, ngunit ang malinaw ay ang pagkapit nila sa karahasang labag sa dangal ng tao at sa kalooban ng Diyos. Hindi kailanman magiging matuwid ang anumang layuning nakasalalay sa dahas. Violence can never be justified.

Nanawagan na ang Diosesis ng Talibon sa Bohol sa mga nasasakupan nito na manatiling mahinahon at mapagmasid, lalo pa’t may mga pinaghahanap pang kasapi ng Abu Sayyaf sa Inabanga. Patuloy daw silang magtiwala sa militar. Kabaligtaran naman ang naging payo ng ating pangulo sa mga taga-Inabanga. Hinimok niya ang mga ito na mag-armas at patayin ang mga bandido kapag makita nila ang mga ito. May isang milyong pabuya rin ang pamahalaan sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf na kanilang madadakip, ngunit mas gusto ng pangulong patay na ang mga ito. Problema pa raw niyang pakainin ang mga ito kung sila ay hahayaan pang mabuhay.

Ilang administrasyon na rin ang nagdaan ngunit nariyan pa rin ang Abu Sayyaf—nangingidnap, nangingikil, at pumapatay ng mga inosente. May isang dating pangulong nagsabing pupulbusin niya ang mga ito. At ngayon nga, mga sibilyan naman ang pinag-aarmas na ng ating pangulo. Sinukuan na ba niya ang kakayahan ng ating mga sundalo’t pulis upang lutasin ang problemang ito? Inutusan niya ang Hukbong Pandagat o Navy na pasabugan ang mga bandido sa karagatan. Hindi rin siya magdadalawang-isip na paulanan ng bomba ang Jolo kung hahantong daw sa puntong malalagay sa alanganin ang katahimikan ng buong bansa.

Hindi kaya’t mas makatutulong kung ang tapang sa salita ay tatapatan ng pagpapahusay ng kakayahan ng Sandatahang Lakas at Pambansang Kapulisan sa pagkalap ng datos at impormasyon tungkol sa mga kilos ng Abu Sayyaf, hindi lamang upang mapigilan ang kanilang masasamang gawain kundi upang matukoy talaga ang pinagmumulan ng kanilang kakayanang maghasik ng lagim? Kailangang tapatan ng mahusay na intelligence at counterterrorism capabilities ang tapang na baka hanggang salita na lang kung walang malinaw at maayos na plano.

Higit sa lahat, ang pagsugpo sa terorismo ay hindi lamang nakasalalay sa ating mga pulis at sundalo. Sa pangmatagalan, kailangan ding tutukan ang mga komunidad upang tugunan ang mga kundisyong nagtutulak sa ilan nating kababayan na kumapit sa patalim at sumali sa mga bandidong grupong gaya ng Abu Sayyaf. Hindi na natin kailangan pagtalunan ang katotohanang umuusbong ang karahasan sa mga lugar na napag-iiwanan ng mga serbisyo at oportunidad upang umunlad sa buhay. Poverty begets violence.

Mga Kapanalig, isama po natin sa ating mga panalangin ang mga tagapangalaga ng kaligtasan at kapayapaan sa ating bayan. Gayundin, huwag nating kalimutang ipagdasal ang mga kapatid nating nabubulag sa terorismo. Gayunman, dapat na malinaw sa atin ang kamalian ng karahasang kanilang ginagawa. Krimen ang terorismo, at walang Kristiyanong dapat ipagtanggol ito. Bagamat hindi natin ipinagsasalwambahala ang banta ng terorismo, mas pagpursigihin dapat ng pamahalaan ang pangmatagalang istratehiyang susupil sa anumang aakit sa sinumang tahakin ang daan ng karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,091 total views

 14,091 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 28,747 total views

 28,747 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 38,862 total views

 38,862 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 48,439 total views

 48,439 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,428 total views

 68,428 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 14,092 total views

 14,092 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 28,748 total views

 28,748 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 38,863 total views

 38,863 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 48,440 total views

 48,440 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,429 total views

 68,429 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,168 total views

 47,168 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,193 total views

 42,193 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,762 total views

 45,762 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,217 total views

 58,217 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,284 total views

 69,284 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,603 total views

 75,603 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,215 total views

 80,215 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,775 total views

 81,775 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,336 total views

 47,336 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,122 total views

 69,122 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top