188 total views
Nararapat lamang na muling pag-aralan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang Voters’ Education para sa nakatakdang halalang pambarangay upang maiangkop ito sa mga pananaw ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Ayon kay dating PPCRV Chairperson Henrietta De Villa, napapanahon lamang ang isinagawang pagpupulong ng mga regional coordinators ng PPCRV upang talakayin at muling isaayos o iakma ang voters’ education nito sa mga kabataan.
“Si Rene ang bagong Chair ng PPCRV, tumawag ng isang seminar para lang sa mga regional coordinators para bisitahin rin yung ating voters education, bakit ba parang hindi nagko-connect kailangan tingnan natin din yung pag-iisip ng mga kabataan ngayon at kung papaano ia-allign yung ating pagtuturo sa kanilang inclination kailangan yun ang ma-Christianize…” ang bahagi ng pahayag ni De Villa sa panayam sa Radio Veritas.
Sa tala ng National Youth Commission, 40-porsyento mula sa higit 57-milyong rehistradong botante sa kasalukuyan ay mga kabataan edad 18 hanggang 30 taong gulang.
Sa naganap na Encounter with the Youth ni Pope Francis sa UST, noong ika-18 ng Enero taong 2015, hinamon nito ang mga kabataan na mag-isip, makiramdam at kumilos upang makapagbahagi sa kapwa, lalu na sa mga nangangailangan at maging sa kapakanan ng buong bayan.
Base sa 2010 Annual Poverty Indicators Survey ng National Statistics Office, tinatayang 1 sa kada 8 kabataan sa Pilipinas o 16-porsyento ng kabuuang 39-milyon ay hindi nakakapasok sa paaralan na kalaunan ay naliligaw ng landas, napapasok sa prostitusyon at nasasangkot sa iligal na droga.
Read: