206 total views
Pinaalalahanan ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga estudyante na pagtuunang pansin
at pagyamanin ang kanilang pag-aaral.
Ayon kay Bishop Mallari na siya ring Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, kailangang pahalagahan ang pag-aaral, lalo’t ito ay pagkakataon para matuto at mapaunlad ang sarili.
“…sa beginning of the school year kung pwede na everyday of the year is really treasured, it’s an opportunity to learn and opportunity to know a lot of things. It’s an opportunity to be enriched as a person at napakahalaga na yung bawat estudyante sana maintindihan nila na napakahalaga yung bawat araw na nandoon sila sa eskwelahan,”
ayon kay Bishop Mallari sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.
Giit pa ni Bishop Mallari: “At yung readiness nila to let go of everything and in favor of Education, napakaganda na iwanan muna nila yung ligaw- ligaw at baka hindi sila makatapos sa pag-aaral. At kung anuman yung bisyo na other attraction of the world isantabi muna and focus more on learning and being educated kasi ito yung napakagandang yaman na kanilang matatamo at makakamtan.”
Tagubilin din ng Obispo sa mga mag-aaral na iwasan muna ang anumang magiging balakid sa pag-aaral tulad ng pakikipag-relasyon, dahil ang pag-aaral ay isang ring paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng mga magulang at ng Panginoon.
“Mahalaga din siguro na maintindihan nila na this is also God’s way of expressing his love for them, to give back to their parents ,”paliwanag pa ng Obispo.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, noong 2013 –isa sa bawat sampung babae na nasa edad 15-19
ay nagbubuntis na habang ang 2 porsiyento naman ay nakapagluwal na kanilang unang anak.
Apatnaput-apat na porsiyento sa mga kababaihang ito ay nakatapos lamang sa elementarya.
Una na ring nanawagan si Pope Francisc Congregation for Catholic Education Plenary Assembly na kailangang himukin ang mga kabataan na maging bahagi ng pagtataguyod ng lipunan at pagbubuklod tungo sa kapayapaan.