203 total views
Buhay pa rin sa mga Filipino ang pagtugon sa panawagan ng Mahal na Birhen na pagdarasal ng Rosaryo.
Ayon kay Vince Aranas, custodian ng Rosary for Life-tuloy tuloy ang kanilang kampanya na ipagpatuloy ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Fatima sa pagdarasal ng rosaryo para sa kabanalan ng buhay.
Giit ni Aranas, nawa bagama’t nairaos na ang sentenaryo ng Aparition of Fatima ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdarasal lalut maraming krimen na laban sa buhay ang ating kinakaharap sa kasalukuyang panahon.
“Kahit sana tapos na 100 years, sana sundin pa rin natin ang message ng Fatima. Kasi that’s the best way of participating in the centenary if you do the message of Our Lady of Fatima. Kasi ngayon ang pinakamatinding problema natin sa kapayapaan minsan nanay mismo ang pumapatay sa sariling anak’ kaya wala tayong kapayapaan,” ayon kay Aranas sa panayam ng Barangay Simbayanan.
Read:
Lakbay-Buhay mass laban sa death penalty
No to Death Penalty-Bishop Bastes
Kabilang na dito ayon kay Aranas ay ang aborsyon, extra judicial killing at iba pang uri ng pagpaslang.
“Matindi ngayong problema natin yung mga pumapatay ng tao. Hindi lamang aborsyon basta pag sinabi mong Rosary for Life, ipinagdarasal mo ang kabanalan ng buhay para mahinto yan. Aborsyon man o extra judicial way,” ayon kay Aranas.
Sa inilabas na datos noong 2012, lumalabas na may 600 libong kaso ng aborsyon sa bansa, kung saan 100 libo ang nadala sa pagamutan habang tatlo ang nasasawi kada araw dahil sa komplikasyon dulot ng pagpapalaglag.
Sa nakalipas na pagdiriwang ng Jubilee Year of Mercy ng simbahan, binigyan din ng kapangyarihan ng Santo Papa Francisco ang mga pari na magbigay ng absolusyon sa mga nagpapalaglag o aborsyon.
Binigyan diin din ng ng Santo Papa Francisco na anumang kasalanan ay dapat patawan ng parusa-subalit parusa na magbibigay daan sa panibagong pag-asa.