1,638 total views
Nananawagan ng tulong ang dating Obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan para sa pangangailangan ng mga pari at madre.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, dating Obispo ng Basilan, hirap ang mga pari at madre sa lugar lalo’t kaunti lamang ang mga katoliko na maaring makatulong sa mga pangangailangan ng Simbahan sa kanilang pagsisilbi sa komunidad.
“It is also our baptismal mandate that we have to help our missionaries. Let us not look the concept of missionaries of only going out of the Philippines, there is an island of Basilan that needs missionary help in order for our priest will order to survive,”pahayag ni Archbishop Jumoad.
Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Arcbishop Jumoad na napakahirap ang buhay sa Basilan dahil na rin sa patuloy na kaguluhan.
“Please pray for Basilan. Please continue to help, money also would be the consideration, kasi di lang pure service, and you have nothing in your stomach. So kailangan talaga they have something to eat also. Kawawa talaga ang mga pari sa Basilan pati mga madre. So, I pray for the rich, will help in the ministry of presence of the Catholic priest in Basilan, and they will not only help in terms of the programs but for the survival, for the food of the priests,” panawagan ni Archbishop Jumoad.
Ang Basilan base 2015 census ay binubuo ng mahigit sa 420 libong populasyon kung saan 130- libo ang mga Katoliko.
Umaasa din ang arsobispo na magkaroon na ng bagong Obispo ang Prelatura ng Isabela de Basilan. Si Archbishop Jumoad ay nagsilbi sa Prelatura ng Isabela de Basilan sa loob ng 33 taon.