176 total views
Umaapela ng dasal ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP para sa mga residente ng Marawi city matapos pasukin at kubkubin ng bandidong Maute group.
Sa mensaheng ipinadala ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, nanawagan ito na ipagdasal ang mga kapatid na Muslim at umiral nawa ang kapayapaan sa lungsod.
Umaasa si Archbishop Villegas na magagawang harapin ng pamahalaan ang nagaganap na banta sa Marawi na walang nadadamay na mga inosenteng silbilyan at mapapangalagaan ang kapakanan ng mga hostage ng Maute group.
Ipinagdarasal din ng CBCP si Rev.Father Chito Suganob at iba pang layko na hostage ng bandidong grupo sa Bishop house sa kasalukuyan.
Ikinaalarma din ng CBCP ang pagtataas ng ISIS o Islamic State of Iraq Syria sa Marawi city.
“The CBCP is alarmed by reports that ISIS flags now flutter over Marawi. We are fully aware that most Muslims are peace-loving. Salam is a greeting of peace. We are also aware that ISIS has claimed responsibility for many of the atrocities in territories they have occupied elsewhere in the world. # PrayforMarawi Fr. Chito Suganob and others were in the Cathedral of St. Mary’s when members of the Maute fighting group forced their way into the Cathedral, taking with them Fr. Chito. We call on government to deal with the threat without wavering and without compromise. We call on all Catholics to pray with our Muslim brothers and sisters. We call on the occupiers who claim to worship the same God that we all do not to defile His name by bloodshed. Peace be upon us all. We beg every Filipino to pray fervently for Fr. Chito and for other hostages. As the government forces ensure that the law is upheld, we beg of them to make the safety of the hostages a primordial consideration.” mensahe ni Archbishop Villegas.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Prelature of Marawi Bishop Edwin Dela Peña na hostage sa kasalukuyan ng bandidong grupo si Father Suganob.
Ayon kay Bishop Dela Peña, pinasok ng mga bandido ang Bishop Residence ng Prelatura at tumawag sa kanya kagabi ang isa sa mga hostage taker gamit ang mobile phone ng isa sa mga sekretarya ng Prelatura.
Sinabi ni Bishop dela Pena na hiniling ng hostage taker na ipaabot sa pamahalaan ang kanilang nais na itigil ang opensiba ng militar laban sa Maute Group na nagpakilala din mga miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria.
“Kagabi may tumawag sa akin ginamit yung cellphone ng isa sa aking secretary doon pero iba ang nakausap ko na hostage taker daw yon. Kasi yung una kong kausap yun nga yung ISIS daw siya at binigay sa akin yung demand tapos binigay kay father Chito [Suganob] yung cellphone para linawin ko raw na si Father Chito ang nagsasabi sa akin.” pahayag ni Bishop Dela Peña sa panayam ng Radio Veritas.
Inihayag ng Obispo na hanggang ngayong umaga ay wala pa silang natanggap na komunikasyon mula sa mga hostage taker.
Kinumpirma din ni Bishop Dela Peña na sinunog na ng mga bandido ang Bishops’s House ng Marawi maging ang Cathedral nito.
Samantala, nagpa-abot ng pagkabahala at panalangin si Ozamis Archbishop Martin Jumoad, Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo at Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa mga mamamayan ng Marawi lalo na sa mga nagsisilbi ngayong human shield sa kaguluhan.
Nanawagan si Archbishop Jumoad, Bishop Bagaforo at Bishop Cabantan sa pamahalaan at bandidong grupo na tiyaking ang kaligtasan ng mga hostage.
“We let government 1st solve Marawi situation. We offer our prayers, we are concerned on safety of civilians. We appeal to those concerned for safety of all hostages. We extend our churches’ hands on how we can help Bishop dela Pena & the LGU.”pahayag ni Bishop dela Pena
“In this trying moment of Mindanao, let us turn to our God, Magbabaya or Allah, for peace in our land. We place our hope in him as peace seems to be elusive in our country. We pray that we shall again establish right relationships among us as God’s children so that peace will flourish. We ask this through Christ, the Prince of Peace n our Lord. Amen.”panalangin ni Bishop Cabantan
Umaapela naman si Archbishop Jumoad sa mga residente na makipagtulungan sa puwersa ng pamahalaan upang hindi na lumala ang kaguluhan sa Marawi.