216 total views
Nananawagan si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo para sa kaligtasan ng mga bihag sa Marawi city.
Ipinagdarasal ni Cardinal Quevedo na mabagabag ang konsiyensa ng Maute group at huwag saktan ang bihag na si Father Chito Suganob at mga empleyado ng St.Mary’s cathedral.
Umaapela rin si Cardinal Quevedo sa mga religious leaders ng Islam na pakiusapan ang mga bandido para sa ligtas na pagpapalaya sa mga bihag na ginagawang human shields.
“I pray for the safety of all the hostages. I appeal to the consciences of the hostage takers not to harm the innocent as the Islamic faith teaches. I appeal to religious leaders of Islam to influence the hostage takers to release the hostages unharmed. For God’s will is the safety of innocent people. May the loving God protect the people of Marawi,” ayon kay Cardinal Quevedo.
Base sa ulat, nilusob ng Maute ang Bishops residence sa Marawi at kabilang sa tinangay si Father Suganob at iba pang kasamahan.
Una na ring nagpahayag ng pakikiisa ang mga Obispo ng Mindanao sa inaasahang pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula sa ika-27 ng Mayo.
Umaasa ang mga Obispo na ang pagdiriwang na ito nang pag-aayuno at pagdarasal ay maging daan pa sa pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano tungo sa kapayapaan.