229 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle,pangulo ng Caritas Internationalis sa kalungkutang nararanasan ng mga taga-Marawi.
Ayon kay Cardinal Tagle,walang katumbas na salita ang kayang ipahayag sa nararanasang pagkalito, pagkabigla at kalungkutan ng mga taong biktima ng karahasan o Marawi siege.
“Nakikiisa kami sa inyo, kaming nasa arkidiyosesis ng Manila, hindi namin alam kung ano ang sasabihin sa inyo. Walang salita ang makapagpapaabot rig aming pagkabigla, pagkalito at kalungkutan sa nangyari nitong nakaraang araw.”mensahe ni Cardinal Tagle
Gayunpaman, umaasa ang Kardinal na maramdaman ng mga taga-Marawi ang pagtangis ng buong sambayanang Filipino dahil sa idinidulot sa kanila ng kaguluhan.
Dagdag pa ng Kardinal, sana ay maramdaman ng mga taga-Marawi ang ating pagtangis para sa kanilang nararanasan at para sa lahat ng tao sa mundo na nasisira ang buhay dahil sa karahasan.
“Tinatanong naming “Bakit nagagawang saktan ng tao ang kanyang kapwa?” Tumatangis kami para sa inyo. para sa lahat ng Pilipino. at lahat ng tao sa mundo na nasisisra ang buhay dahil sa karahasan .”pahayag ni Cardinal Tagle
Kasabay nito ang panalangin ni Cardinal Tagle na mapatawad ng Diyos ang mga nangyayaring paglapastangan sa buhay at dangal ng tao.
Hiniling din ng Kardinal sa kanyang panalangin na sana ay matutunan na ng tao na tunay na magpakatao at ang makipagkapwa-tao.
At higit sa lahat panalangin ng Kardinal na maturuan ang tao na tunay na tahakin ang kapayapaan at hindi karahasan.
Ipinagdarasal din ni Cardinal Tagle na mahilom ang sugat sa pamilya ng mga naging biktima ng karahasan sa Marawi at manatili pa rin ang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang mga puso.
“Kasama ninyo nanalangin kami ‘0 Dios. Patawarin mo po ang aming paglapastangan sa buhay at dangal ng tao. Turuan mo po kaming magpakatao at makipagkapwa-tao. Palakasin mo po ang hangaring tahakin ang kapaypaan. Hilumin mo po ang sugat ng mga kapatid namin sa Marawi at ng mga pamilya ng naging biktima ng karahasan . O diyos ng kapayapaan at pag- ibig liwanagan at subaybayan mo kami .”panalangin ng Kardinal
Ika-23 ng Mayo ng lusubin ng Maute group ang barangay Malutlut, Marawi city kung saan 12-church workers kasama si Father Chito Suganob ang binihag ng grupo.
Dahil sa pag-atake, inilagay na sa martial law ang buong Mindanao.