Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

51st World Communications Sunday seminar, pangungunahan ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 324 total views

Hinihikayat ng Simbahan ang bawat mananampalataya na maging mapanuri at maging bahagi ng tamang pagpapahayag kaugnay nang pagdiriwang ng World Communication Sunday.

Nagbabala si Bishop Broderick Pabillo, member ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Communication at chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, na maaring ang pagbabahagi ng maling impormasyon ay magdala sa atin sa kasalanan.

Ayon sa Obispo, kailangang maipahayag ang mabuting balita lalo na sa ‘digital world’ kung saan marami at mabilis na kumakalat ang balita maging tama man ito o hindi.

“Kasi kung hindi maging mapili, at kung ano-ano lang ang pinapakinggan, lalo na sa panahon ngayon ay madadala tayo sa kasamaan. Ikalawa, gamitin din natin ang komunikasyon sa maayos na paraan hindi lamang sa entertainment, ngunit gamitin din natin to get good information especially about the faith”,pahayag ni Bishop Pabillo.

Ipagdiriwang ang World Communication Sunday na may temang ‘Fear not, for I am with you: Communicating trust you” sa ika-28 ng Mayo kasabay na rin ng Solemnity of the Ascension of the Lord.

Ngayong araw ika-27 ng Mayo 2017, pangungunahan ng Archdiocese of Manila Social Communications Ministry ang ika-51 World Communication Sunday and the Philippine Media seminar sa San Carlos Seminary, Guadalupe, Makati city.

Magiging guest speakers sa seminar si Father Nicanor Lalog II, Social Communications Director ng Diocese of Malolos at Rappler Corresspondent Paterno Esmaguel II.

Inihayag naman ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) na upang hindi mabiktima ng maling impormasyon ay kailangang suriin ang pinagmulan ng ulat.

Sa pag-aaral naman ng Asia Digital Marketing Association (ADMA) noong 2015, ang Pilipinas ay ikalawa sa pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong South East Asia na may 44.2 million, at 94 percent sa mga ito ay may social media account na ginagamit para magpost at magshare ng mga impormasyon.

Sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet, sinasabing mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para ipahayag ang misyon ni Kristo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 53,904 total views

 53,904 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 64,979 total views

 64,979 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 71,312 total views

 71,312 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 75,926 total views

 75,926 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 77,487 total views

 77,487 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Caritas Manila, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly

 663 total views

 663 total views Muling umaapela ng panalangin at tulong ang social arm ng simbahan, ang Caritas Manila para sa mamamayang labis na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly. Hinihikayat din ng Caritas Manila ang mga nais na magbigay ng tulong sa pamamagitan ng cash donations upang mas mabilis na makarating sa mga diyosesis na naapektuhan. Sa ganitong

Read More »
Press Release
Marian Pulgo

Maging matapang sa pagpapahayag ng katotohanan

 383 total views

 383 total views Kinakailangang maging matapang ang bawat isa sa pagpapahayag ng katotohanan. Ayon kay Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, ito ang hamon ng World Communication Sunday na may temang ‘Fear not, for I am with: Communicating Hope and Trust in Our Time’ na ipagdiriwang sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top