Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging matapang sa pagpapahayag ng katotohanan

SHARE THE TRUTH

 384 total views

Kinakailangang maging matapang ang bawat isa sa pagpapahayag ng katotohanan.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, ito ang hamon ng World Communication Sunday na may temang ‘Fear not, for I am with: Communicating Hope and Trust in Our Time’ na ipagdiriwang sa ika-28 ng Mayo.

Ipinaliwanag ng pari na sa kasalukuyan ay may pag-uusig sa mga Kristiyano, kaya’t marapat na palagiang ipaalala ang taglay na mensahe ng Panginoon ang pag-ibig, pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa.

“Tayo sana ay maging matatag pa at mas maging matapang sa pagpapalagananap ng Diyos, dahil ang taglay na mensahe ng salita ng Diyos ay pag-ibig, kapayapaan, pagkakaisa, pagpapatawad, pagmamalasakit sa kapwa. Ito ang dapat na mapakinggan at maisabuhay ng lahat ng tao sa buong mundo. At ang mensaheng ito unang una ay nag-uugat sa salita ng Diyos“, pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Father Secillano na bukod sa pagpapahayag ng katotohanan ay higit na mahalaga ang pagsasabuhay ng mabuting balita at maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa.

“Dapat ay hindi lamang maging instrumento nang pagbabahagi ng salita, lalong lalo na ay ipakita ang mensahe ng Panginoon sa pamamagitan ng ating mga gawa. Ang paggawa ng mabuti, ang pagsasabuhay ng kapayapaan, pag-ibig, pagkakaisa, pagpapatawad ay maspinakamabisang pamamaraan na maihatid natin sa ating kapwa ang mga mensaheng ito ng Panginoon,” paliwanag pa ni Fr. Secillano.

Ayon sa ulat ng Open Doors USA noong 2015, may higit sa pitong libo ang napaslang na may kaugnayan sa pananampalataya mula sa dating kaso na umabot lamang sa tatlong libo noong 2014.

Sa nagaganap na Marawi siege, bukod sa siyam na kristiyanong pinaslang ng Maute group, tinangay din ng mga bandido si Fr. Chito Suganob at ilang parishioner ng St. Mary’s Cathedral habang nagsisilikas naman ang ilang mamamayan sa nasabing lungsod dahil sa pangamba sa kanilang kalagayan.

Ang Marawi City ay binubuo ng may 200 libong residente, kung saan ilang sa mga ito ang lumilikas na at kasalukuyang nasa pangangalaga ng kalapit na siyudad ng Iligan.

Nakapagpadala na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P3.6 M halaga ng food packs para sa 6,600 na pamilya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 54,165 total views

 54,165 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 65,240 total views

 65,240 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 71,573 total views

 71,573 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 76,187 total views

 76,187 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 77,748 total views

 77,748 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Caritas Manila, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly

 664 total views

 664 total views Muling umaapela ng panalangin at tulong ang social arm ng simbahan, ang Caritas Manila para sa mamamayang labis na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly. Hinihikayat din ng Caritas Manila ang mga nais na magbigay ng tulong sa pamamagitan ng cash donations upang mas mabilis na makarating sa mga diyosesis na naapektuhan. Sa ganitong

Read More »
Press Release
Marian Pulgo

51st World Communications Sunday seminar, pangungunahan ng Archdiocese of Manila

 325 total views

 325 total views Hinihikayat ng Simbahan ang bawat mananampalataya na maging mapanuri at maging bahagi ng tamang pagpapahayag kaugnay nang pagdiriwang ng World Communication Sunday. Nagbabala si Bishop Broderick Pabillo, member ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Communication at chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, na maaring ang pagbabahagi ng maling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top