Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, maglalagay ng imbakan ng relief goods sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

 197 total views

Magtatayo ng Caritas Manila ang isang warehouse para sa relief goods sa Mindanao.

Ayon kay Fr. Emerson Luego, Social Action Center director ng Diocese of Tagum at ng Visayas – at siya ring head ng Caritas-Mindanao, ito ay upang maging madali ang pamamahagi ng tulong sakaling magkaroon ng kalamidad sa Mindanao at mga kalapit na lalawigan.

Ilalagay ang emergency warehouse sa Sagrado Corazon Parish, Bermudez Compound, Apokon, Tagum, Davao City para mapag-imbakan ng mga donasyon mula sa Caritas Manila at Radyo Veritas.

“May area na tayo na inilaan diyan para sa gagawin na warehouse. At ang role niyan we could accommodate halimbawa may mga sakuna sa Mindanao diyan natin store lahat ng mga goods na ibinibigay ng mga kababayan natin from Luzon and Manila na mga tulong na ipinapadala nila sa Caritas Manila at Radio Veritas para tulad sa dati na maipahatid agad natin doon mismo sa mga concern,” bahagi ng pahayag ni Fr. Luego sa Radyo Veritas.

Suportado rin ni Fr. Luego ang mga programa ng Caritas Manila tulad ng Caritas YSLEP o Youth Servant Leadership and Education Program na may 5 libong iskolar sa buong bansa.

Nais din ni Fr. Luego na palakasin at pagkakaroon ng pagkakataon ng mga micro entrepreneur sa Mindanao tulad ng pagtatayo ng Caritas Margins – Mindanao branch.

“Maraming programa tulad ng YSLEP at tinatignan rin natin makagawa ng Caritas Margins dito sa Davao. Para naman yung mga programa sa ibat ibang dioceses lalo na yung mga tinatawag nating products of the poor ay matulungan po kasi yun ang naging problema lagi may mga programa tayo para matulungan yung mga mahihirap mabigyan ng technology pero at the end of the day wala ring sustainability dahil Hindi man mai- market yung na – produce nila na produkto. Itong programa ng Caritas Margins napakalaking bagay nito dahil diyan mo makikita na ang mga mahihirap nating kababayan ay matulungan talaga sila na ma- market yung mga produkto nila,” bahagi ng pahayag ni Fr. Luego sa Veritas Patrol.

Bukod sa Tagum, ilang pang lugar ang paglalagyan ng warehouse ng Caritas Manila kabilang na dito ang mga lugar tulad ng Cagayan De Oro, Leyte, Bicol at Nueva Ecija na magsisilbing emergency relief operation site na tutugon sa panahon ng sakuna.

Isa ang Typhoon Pablo sa pinakamalakas na bagyo na nanalasa noong 2012 sa Mindanao region kung saan higit sa 1,000 ang nasawi habang naitala naman P8.5 bilyong ang mga nasirang mga pananim.

Sa ulat ng Pagasa, karaniwan na ang higit sa 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 37,887 total views

 37,887 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,543 total views

 52,543 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,658 total views

 62,658 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 72,235 total views

 72,235 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 92,224 total views

 92,224 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Veritas Team

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

 8,162 total views

 8,162 total views August 13, 2020 Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay nagtataglay ng novel coronavirus. Ayon sa obispo na isang Covid-19 survivor, bagama’t kinakailangan silang ibukod dulot ng nakakahawang sakit ay hindi nawa nila maramdaman ang paglayo at pag-iwas. Iginiit ng

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

CBCP CIRCULAR: May 13 National Consecration to the Immaculate Heart of Mary

 8,153 total views

 8,153 total views Circular No. 20-26 1 May 2020 Your Eminences, Excellencies and Reverend Administrators: RE: May 13 National Consecration to the Immaculate Heart of Mary In 2013, the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines approved the yearly National Consecration of our country to the Immaculate Heart of Mary, in preparation for and leading to the

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

FDA at DOH, hinamong subukan ang anti-viral injection laban sa COVID-19.

 8,183 total views

 8,183 total views Hinamon ng isang Obispo ng Simbahang Katolika ang Department of Health at Food and Drug Administration na subukan at pag-aralan ang Fabunan anti-viral injection na sinasabing nakakagamot sa COVID-19. Ikinalulungkot ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na sa halip na subukan ng D-O-H at F-D-A ang anti-viral injection na gawa ni Dr.Ruben Garcia

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

P1 B halaga ng GCs, naipamigay na ng Caritas Manila sa 4-M urban poor families

 8,156 total views

 8,156 total views April 8, 2020-10:47am Isang (1) bilyong pisong halaga ng Gift Certicates (GCs) ang naibigay ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Oplan Damayan sa mga urban poor families na nasasakupan ng 10-Suffragan Diocese sa MegaManila. Ini-ulat ni Rev.Fr.Anton CT Pascual na kabuuang 1, 078, 212, 500 ang nai-release ng Caritas Manila sa Diocese of

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Maging mahinahon!

 8,180 total views

 8,180 total views March 10, 2020, 1:25PM Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mamamayang Filipino na manatiling mahinahon sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease. Sa halip, hinimok ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ang mamamayan na patuloy na manalangin kasabay ng pag-iingat na mahawaan ng COVID-19. Pinayuhan ng Obispo ang

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Panuntunan ng CBCP laban sa COVID-19 sa Holy Week

 8,001 total views

 8,001 total views Nagpalabas ng karagdagang panuntunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga gawain sa kuwaresma at semana santa bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng corona virus disease (COVID 19). Ito rin ay batay sa rekomendasyon ni CBCP – Episcopal Commission on Liturgy Executive Secretary Rev. Fr. Genaro Diwa alinsunod sa kautusan

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Hospitality ng mga Pinoy, ipapamalas sa Flagship tour ng mga delegado ng ASEAN summit

 6,436 total views

 6,436 total views Pinatutunayan ng pagiging host country ng Pilipinas sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit ang kakayahan ng bansa na mangasiwa ng mga pandaigdigang pagtitipon. Bukod sa paglago ng turismo, inihayag ni Department of Tourism Undersecretary for Tourism Development Planning (TDP) and Oversight Functions Benito Bengzon na umani rin ng pagkilala

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Ligtas at disenteng pabahay para sa mga Filipino

 6,499 total views

 6,499 total views Ito ang misyong tutuparin ng BALAI Filipino o Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive Filipino Communities Program ng administrasyong Duterte. Sa tulong ng mga key shelter agencies sa bansa partikular na ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), PAG-IBIG FUND, Home Guaranty Corporation, Housing and Land Use Regulatory Board, National Housing Authority

Read More »
Press Release
Veritas Team

Radio Veritas 846 to air the October 2017 Katolikong Pinoy Formation

 6,593 total views

 6,593 total views Radio Veritas 846, the number one faith-based AM radio in the Philippines, will air live the October 2017 edition of the Katolikong Pinoy Formation Series on October 21, 2017. Rev. Fr. Hans Magdurulang, Parochial Vicar of San Felipe Neri Parish will be the speaker for this month and will focus on the topic

Read More »
Press Release
Veritas Team

Veritas 846 to air Pope’s “Share the Journey” campaign for migrants

 6,636 total views

 6,636 total views Radio Veritas, the leading faith-based AM station in the Mega Manila, is set to air the announcement of Caritas Internationalis’ “Share the Journey” campaign for migrants by His Holiness Pope Francis at St. Peter’s Square in Vatican City on Wednesday, September 27, 2017. Listeners will be able to hear live broadcast of the

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Matinding trapik, hindi mareresolba ng 4-day work week

 6,490 total views

 6,490 total views Hindi sagot ang pagsasabatas ng House Bill 6152 o 4-day work week scheme upang maresolba ang trapiko sa Pilipinas. Ito ang paninindigan ni Employers Confederation of The Philippines President Donald Dee kaugnay sa panukalang batas na pininiwalaang tatapos sa paulit-ulit na usapin sa trapiko. Ayon kay Dee, hindi ang sektor ng paggawa ang

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Church bells toll against EJK

 6,440 total views

 6,440 total views To:  Archdiocesan Clergy, Religious Communities, Lay Leaders, and Parishioners From: Abp. A. Ledesma, SJ For whom De Profundis church bells toll On this feast of St. Augustine, together with other church leaders and dioceses, we express our deep concern for the continued spate of extra-judicial killings that have claimed even young lives and

Read More »
Press Release
Veritas Team

Veritas 846 to live the second “Online Prayer Meeting” with Bishop Pabillo

 6,607 total views

 6,607 total views Netizens are once again invited to join Most Reverend Bishop Broderick Pabillo D.D., Auxillary Bishop of Manila in an online prayer meeting on August 31, 2017 at 12:00 noon. The Veritas Facebook page will air the hour-long online prayer meeting led by Bp. Pabillo with the theme “Care for Creation”. Veritas846.ph Facebook followers

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP, kaisa ng mga biktima ng EJK sa paghahanap ng katarungan

 6,612 total views

 6,612 total views Kaisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People o CBCP-ECMI sa laban para sa hustiya ni Lorenza Delos Santos, isang Overseas Filipino Worker (OFW) at ina ng Kian Loyd Delos Santos na pinaslang ng tatlong pulis Caloocan sa isinagawang Oplan Galugad sa Barangay 160. Kasabay ng

Read More »
Senators
Veritas Team

Paglalaan ng pork barrel funds sa libreng matrikula sa SUC’s,suportado ng Obispo

 6,543 total views

 6,543 total views Hinimok ni CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at Diocese of San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga senador at kongresista na ilaan sa pagpopondo ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act ang kanilang 2018 pork barrel fund. Ayon kay Bishop Mallari, kung magkakaisa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top