309 total views
Ayon kay Iligan Vice Mayor Jemar Veracruz, mahigit sa tatlong libo katao ang nasa iba’t- ibang evacuation centers habang umaabot naman sa 10-libo katao mula sa Marawi ang kinakalinga ng kanilang mga kamag-anak sa Iligan.
35-kilometro ang layo ng Iligan sa Marawi city.
“Maraming nagbakwit from Marawi, pero ang gandang makita mo that the beautiful thing that you can prove here is kung how people magtulong-tulungan lalu na ang mga relatives ng mga na- displaced. That is very very touching, makita mo talaga na ang basic goodness of every heart of the the Filipino. Ngayon nakikita natin ay every heart of that tribal people Maranao ka man o Kristiyano, kumikinang. Magandang loob talaga ang nasa puso ng mga Filipino.”pahayag ni Vera sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.
Sinasang-ayunan din ni Vera ang Martial law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao para sa kaligtasan ng kanilang mamamayan.
Ayon kay Veracruz, ilang lalawigan sa Mindanao ang karaniwan na ang pagdadala ng baril partikular sa Marawi dahil sa usapin ng ‘rido’ o ang pag-aaway away ng mga pamilya at tribo sa rehiyon kaya ‘vulnerable’ ang lalawigan sa kaguluhan.
Sa mensahe namang ipinahayag ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, hinikayat nito ang mamamayan ng Mindanao na maging mahinahon at sumunod sa mga itinakda ng batas lalo na sa umiiral na Martial law sa buong rehiyon.
Panawagan din ng kanyang kabunyian sa mga awtoridad na palagiang igalang ang karapatang pantao ng bawat isa, at isulong ang kapayapaan at katarungan.