2,684 total views
Umaapela ang Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan sa mamamayan na maging handa at sundin ang payo ng mga opisyal ng pamahalaan upang makaiwas sa sakuna.
Kasunod ito ng naganap na landslide sa Barangay Liwanag, Puerto Princesa, dahil sa walang tigil na buhos ng ulan na kumitil sa buhay ng isang ina at dalawa nitong anak.
Dahil dito, hinimok ng pari ang mga residente na umiwas sa mga tinukoy na landslide at flood prone areas ng lokal na pamahalaan ng Palawan, upang makaiwas sa anumang banta sa kanilang buhay.
“Isang pagpapaalala sa atin ang pagsunod ay napakahalaga para tayo ay magkaroon ng mapayapang pamumuhay kaya ang mga suggestions at ninanais ibigay sa atin ng pamahalaan bilang pagpapaalala yan ay makakatulong at dapat nating sundin,”pahayag ng Pari sa panayam ng Radyo Veritas.
Paalala pa ni Fr. Lahan, hindi lamang ang pamahalaan at simbahan ang dapat maghanda at magtulungan kundi lalo na ang mamamayan para maiwasan ang pagdami ng mga biktima ng natural calamities.
“Ang buhay ay hindi na maibabalik kapag mayroong nangyaring sakuna sa atin, pinapaalalahanan po ang lahat na sana, sundin po natin ang sinasabi ng ating gobyerno… Hindi po natin hawak ang panahon ngayon lalong lalo na alam natin na ang mga ulan ay dadating sa hindi natin inaasahan. Kinakailangan maging handa tayo palagi at part ng ating paghahanda ay ilagay ang ating sarili sa dapat nating kinalalagyan,” dagdag pa ni Fr. Lahan.
Bagamat hindi pa pormal na nagsisimula ang panahon ng tag-ulan, puspusan na ang paghahanda ng mga Social Action Center ng Simbahan upang maagap na matugunan ng mga residenteng mangangailangan ng tulong.
Read: http://www.veritas846.ph/simbahan-pinapalakas-ang-disaster-response-capability/
Noong 2015, pormal na idineklara ang tag-ulan noong June 4 habang noong 2016, idineklara naman ng PAGASA ang tag-ulan noong May 24