214 total views
Inihayag ni De Villa na mahal ng mga taga-Marawi si Father Suganob dahil sa kanyang pakikisama at pusong para sa taga-Mindanao kaya’t umaapela ito sa mga terorista na magkaroon ng damdamin at ligtas na palayain ang mga bihag.
“Si Fr. Chito, he was always conscious of the fact na He is one of them, na sila ay mga kapatid niya, kapatid natin. At talagang practitioner siya sa sinasabi niyang ‘dialogue of life’ na hindi mo ipipilit ang relihiyon mo. Kasi lahat naman ng relihiyon basta tunay, talagang mapagmahal, mapayapa. Hindi pumapatay at nananakit ng iba. Authentic talaga siya at respectful and accepting and welcoming other people of other faiths, creed, even what color you are,”pahayag ni De Villa.
Ibinahagi ni De Villa na sa unang araw nang pagkabihag kay Father Suganob ay may nagpadala sa kanya ng larawan ng pari kasama ang ilang mga bihag na nakaupo sa sahig.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtutulungan at pagpapakita ng malasakit sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim na biktima ng karahasan at kaguluhan sa Marawi.
Read: http://www.veritas846.ph/pagtutulungan-ng-mamamayan-ng-marawi-at-iligan-buhay-na-buhay/