Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martial law nga ba ang kailangan?

SHARE THE TRUTH

 534 total views

Mga Kapanalig, dahil sa nangyayaring sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng Maute Group sa Marawi, nagdeklara si Pangulong Duterte ng martial law sa buong Mindanao noong nakaraang Martes, ika-23 ng Mayo. Sa bisa ng Proclamation No. 216, sinususpinde ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus; ibig sabihin, maaaring dakpin ng estado—alinsunod sa proseso ng batas—ang sinuman nang walang warrant. Gaya ng pinahihintulutan ng ating Saligang Batas, ang pagsasailalim sa Mindanao sa batas militar ay hanggang dalawang buwan lamang, ngunit nagpahiwatig ang ating pangulo na maaari niya itong palawigin. Hindi rin niya isinasantabi ang posibilidad na ilagay ang buong bansa sa ilalim ng martial law kung aabot daw ang gulo sa ibang bahagi ng bansa. Banta pa niya, ang martial law na kanyang ipatutupad ay magiging marahas gaya ng ginawa ni dating Pangulong Marcos.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagsasailalim ng buong Mindanao sa martial law. May mga sumang-ayon dito, at may mga tumutol din, kabilang ang ilang grupo sa Mindanao. May mga nagtatanong: kung sa Marawi naman naganap ang pag-atake, bakit kinakailangang buong isla ng Mindanao ang ipasailalim sa martial law? Hindi raw ba sasapat na ideklara lamang ito sa Lanao del Sur, ang probinsyang nakasasakop sa Marawi? Sa laki at lawak ng saklaw ng kapangyarihan ng pangulo—kasama ang Sandatahang Lakas at Pambansang Kapulisan—bakit martial law agad ang naging tugon ng administrasyon sa sitwasyon sa Marawi?

Nakaugat ang mga agam-agam na ito hinggil sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao sa karanasan natin nang isinailalim ang Pilipinas sa batas militar noong rehimeng Marcos. Itinuturing iyon bilang isa sa madilim na yugto sa ating kasaysayan, dahil naging laganap noon ang mga paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa poder. Ito ang mga dahilan kung bakit inilagay sa kasalukuyan nating Saligang Batas ang mga “safeguards” o pananggalang bago magdeklara ang pangulo ng batas militar.

Kinikilala ng Santa Iglesia ang terorismo bilang mabigat na kasalanan sa buong sangkatauhan, kaya makatwiran lamang na ipagtanggol natin ang ating mga sarili laban sa mga nagpapalaganap nito. Ngunit ang pagtatanggol na ito ay dapat pa ring nakabatay sa moral at legal na mga panuntunan, sapagkat ang pagsugpo sa terorismo ay dapat na nakaugat sa dangal at karapatang pantao at sa mga prinsipyo ng estadong may mga batas na pinaiiral. Samakatuwid, bagamat ang sinasabing pangunahing dahilan ng pagpapairal ng batas militar sa Mindanao ay upang ilayo ang mga kababayan natin roon sa higit pang kapahamakan, hindi ito dapat na maging dahilan upang isantabi ang mga karapatan ninuman sa pamamagitan ng pag-abuso sa kapangyarihan ng mga tagapagpatupad ng batas at tagapagpanatili ng kapayapaan sa Mindanao.

Ganito ang pananaw ni Ozamiz Archbishop Martin Jumaod. Naniniwala siyang kailangang paigtingin ng pamahalaan ang aksyon nito upang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Marawi. Ngunit paalala niya, kailangang may malinaw na mekanismo upang hindi humantong sa paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso ang pagbibigay ng dagdag kapangyarihan sa militar.

Sang-ayon man tayo o hindi sa naging pasya ng pangulo, lahat tayo ay umaasang matitigil sa lalong madaling panahon ang nagaganap na karahasan sa Marawi. Tayong mga malayo sa Marawi ay inaasahang laging maging mapanuri sa mga impormasyong ating nababasa, naririnig, at ibinabahagi. Patuloy tayong magdasal para sa kaligtasan ng ating mga kababayan, para sa lakas ng loob ng ating mga sundalo, at para sa malinaw sa pagpapasya ng ating pamahalaan.

Hindi man natin pa masasagot ang tanong kung martial law nga ba ang kailangan sa Mindanao, huwag nating hayaang humantong ang pasyang ito ng ating pamahalaan sa malawakang pag-abuso at kapahamakan ng mga inosente.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 44,022 total views

 44,022 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 55,097 total views

 55,097 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 61,430 total views

 61,430 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 66,044 total views

 66,044 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 67,605 total views

 67,605 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 44,023 total views

 44,023 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 55,098 total views

 55,098 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 61,431 total views

 61,431 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 66,045 total views

 66,045 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 67,606 total views

 67,606 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,990 total views

 43,990 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,651 total views

 66,651 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,227 total views

 72,227 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,708 total views

 77,708 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,821 total views

 88,821 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,820 total views

 84,820 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,522 total views

 72,522 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,004 total views

 81,004 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,063 total views

 74,063 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,987 total views

 80,987 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top