1,361 total views
Tiwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dahilan ang trahedyang naganap sa Resorts World para mapalawig ang umiiral na martial law sa Mindanao.
Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ang insidente ay walang kinalaman sa terorismo kaya’t walang dahilan para mapalawig sa Metro Manila ang deklarasyon ng batas militar.
“That incident is not a case or rebellion or invasion,” mensahe ni Father Secillano sa Radio Veritas Sa kabila nito, hinikayat ng pari ang mamamayan na maging mapagmatyag at mag-ingat para sa kanilang kaligtasan.
Nanawagan din si Father Secillano sa mga law enforcer na higpitan ang pagpapatupad ng security measures para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
“Things have not been the same as far as peace and order in the country is concerned. We appeal to the people to refrain from going to public places lest they be exposed to dangerous situations. Let’s also call on our law enforcers to strengthen security measures that will ensure the safety of the public. In this period of uncertainty, let us all exercise caution and vigilance,” ayon kay Fr. Secillano.
Sa unang panayam sa pari, sinabi nitong ‘praktikal’ lamang ang pag-iral ng martial law sa Mindanao lalo’t hindi lamang nasa Marawi ang mga terorista kung hind maging sa ibang panig ng Mindanao.
Sa huling bahagi ng 2016, lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Station na 74 percent ng mga Pilipino ang tutol sa martial law kabilang na ang Metro Manila na 81-percent, Mindanao 75-percent at Luzon naman ay 74 percent.
Base sa pinakahuling ulat ng Philippine National Police, 37 na ang nasawi sa naganap na kaguluhan sa Resorts World na ang karamihan ay bunsod sa suffocation matapos na sunugin ng nag-iisang suspek ang kanyang sarili sa loob ng hotel. Isinantabi na rin ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may kaugnayan sa terorismo ang insidente.