179 total views
Umaasa ang isang Obispo ng Simbahang Katolika na matapos ipagdiwang ng bansa ang ika-30 ng Edsa People Power Revolution ay tunay namang matupad ang naging layunin ito.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, ang pangarap ng EDSA ay magkaroon ng tunay na pagbabago sa lipunan gaya na ang mahihirap ay tunay na mabigyan ng karapatan na umangat ang buhay.
Pahayag pa ng Obispo, matapos maipagdiwang ang 30 taon ng bloodless revolutrion, napakalayo pa rin ng agwat ng mayaman sa mga mga mahihirap na Filipino.
Giit pa ng Obispo na hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling mayayaman sa lipunan ang nakikinabang sa sinasabing pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
“Ang 30 years ng EDSA na dapat sana ang panagrap ng edsa ay matupad at ano ba yung pangarap na ito, pagbabago sa ating lipunan na dapat mabigyang karapatan ang lahat at sa ngayon hindi pa nangyayari yan sapagkat ang nakikinabang pa lang ay yung mayayaman yung mga elite napalaki pa rin ng gap between the rich and the poor . at ang sinasabi nilang growth ang nakikinabang lang d iyan ay mag mayayaman . kaya hindi pa talaga nakuha ang pangarap ng edsa at sana yan ay bigyan ng pansin yan .” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.
Dagdag pa ng Obispo, malaking hamon dito sa nalalapit na halalan na tunay na maging responsable ang mga botante sa pagboto upang matupad ang tunay na pangarap ng nasabing people power revolution, ang pagkakapantay-pantay ng karapatang pantao ng lahat ng sambayanan . “
Hilingin natin sa mga iboboto na talagang dalisay ang kanilang layunin sa paglilingkod sa bayan at para sa mga lahat ng tao uusisain natin ang mga kandidato kung ano talaga ang kanilng mga pakay ang kanilag mga plataporma sa mga specific na issues na mga usapin sa ating lipunan .” ayon pa sa obispo.
Sa pag-aaral, nananatiling ang 76 percent ng 6.8 percent gross domestic product ng bansa ay napupunta lamang sa may 40 mayayamang pamilya sa Pilipinas.
Kung saan itinuturing din na malaking problema ng sistema ng pamamahala sa bansa ang laganap na political dynasty na umaabot 70 porsiyento ng mga mambabatas ay kabilang dito o may kabuuang 178 ang mga opisyal ng bansa na pinaniniwalaang nagpapahirap sa buhay ng mga Filipino dahil sa laganap na katiwalian.