307 total views
Ito ang pagninilay ni Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez sa pagsulputan ng mga malalaking pasugalan sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Binigyan diin ng Obispo na ang pagkalulong sa sugal ay nakasisira sa paglago ng bawat mananampalataya upang magsumikap sa pagta-trabaho.
Itinatapon rin nito aniya ang dignidad ng bawat manggagawa sa pagpapahalaga sa salaping kinita na maitulong pa dapat sa higit na nangangailangan.
“Kita naman natin na ang culture of gambling ay nagpapatuloy at too much ay hindi talaga makakatulong sa tao. Hindi naman talaga papayag ang simbahan sa gambling hindi man magandang kultura ang ma–develop nun. Dapat ang ituro sa tao ay ang culture of productivity, culture of industry,” bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez sa Radyo Veritas.
Batay sa pag – aaral ng Anti – Money Laundering Council o AMLC sinisiyasat na nila ang umaabot sa $100 milyong dolyar na pumapasok sa mga banko sa bansa mula sa mga casino.
Sa kasalukuyan umaabot na sa 6 na malalaking casino ang nakatayo sa Metro Manila.
Samantala, ayon sa katuruan ng Simbahang Katolika itinuturing ang gambling bilang isa sa pitong matinding kasalanan.