198 total views
Nasa clearing stage na ang Armed Forces of the Philippines sa Butig, Lanao del Sur
Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, tatlong araw na ang operasyon matapos ang tangkang pagkubkob ng mga rebeldeng Moro na pinamumunuan ng magkapatid na Abudullah at Omar Maute, mga dating miyembro ng Jemaah Islamiyah.
“Nasa clearing stage na ang operasyon, chinecheck-up ng mabuti ang paligid kung may naiwang mga pampasabog at ang mga kalapit na barangay kung may mga nagtagong mga rebelled doon , sa ngayon pawala na ang putukan at sa mga susunod na araw mag-aabiso na ang AFP na clear ng lahat.” pahayag ni Padiulla sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinabi ni Padilla na nagsimula ang sagupaan noong February 20, 2016 nang tangkaing agawin ng grupo ng Maute Brothers ang isang detachment ng AFP sa Brgy. Puktan Butig kung saan nagapi lamang ang mga rebelde sa tropa ng reinforcement ng AFP.
Tinatayang nasa 5 sundalo ang nasawi sa labanan habang nasa 50 naman sa panig ng mga rebelde kung saan mahigit 30 pa lamang ang napapangalanan.
Sa record ng Philippine government, nasa mahigit 60,000 ang nasawi na sa kaguluhan sa Mindanao mula 1970’s hanggang 2007.
Una ng nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na hindi ang isa pang karahasan na pag-aarmas ang tugon para makamit ang kapayapaan ng bawat komunidad kundi ang tahimik na dayalogo sa magkabilang panig.