167 total views
Hindi kinakailangang sumabak sa digmaan upang patunayan ang pagiging makabayan.
Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government acting Secretary Catalino Cuy matapos ang ika-199 pagdiriwang ng araw ng kasarinlan ng Pilipinas sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Marawi City.
Ipinaliwanag ni Cuy na sa pagiging isang simple at mabuting manggagawa ay naipakikita ng isang Filipino ang kanyang pagmamahal sa bansa.
Dagdag pa dito, sa pamamagitan ng moral na pamumuhay at pagsunod sa batas ay napangangalagaan na rin ng mamamayan ang Pilipinas.
“We need not sacrifice our lives to prove our patriotism. We can show love for country by being productive in our job or enterprise, be law-abiding, and share our time and resources in volunteer work,” pahayag ni Cuy sa Radio Veritas
Kaugnay nito, muling hinimok ni Cuy ang mamamayan na makiisa sa programa ng D-I-L-G na MASA MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga, upang mapaigting ang pagbabantay sa lipunan laban sa mga nagaganap na anomalya, kurapsyon at maging ang banta ng terorismo.
Sa pagdiriwang ng ika-119 taong ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, binigyang pugay ang 58 magigiting na sundalong nagbuwis ng kanilang buhay sa pagtatanggol sa bayan