1,409 total views
Naniniwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi pagsupil sa kalayaan ng pagpapahayag ang hakbang ng social media giant na Facebook na higpitan ang social media account na nagpapahayag ng paghihimagsik at terorismo.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, may sariling regulasyon ang FB at iba pang social media na kailangang magpasakop ang subscribers.
Giit ng pari, hindi ganap ang kalayaan lalo na kung ito ay makakapinsala sa mas nakakarami lalo na sa usapin na pagpapakalat ng jihad o terrorists propaganda.
“FB has its own internal regulations. Those who subscribe to this social networking tool should subject themselves to these regulations. Fake news and jihad propaganda should not be allowed to proliferate. Those who do it should even be charged for perjury or inciting to rebellion,” Dagdag pa ng pari: “Restriction to freedom of expression should not even be an issue in this regard. It’s a choice between public good vs. private good. May a government or institution allow an individual to pose threat or harm to the public just because he wants to do it? No! Because that freedom is not and cannot be absolute especially if in the exercise of it the public good is jeopardized.”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.
Nauna rito, pinuri ni San Jose Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang hakbang ng FB na alisin ang mga account na nagsusulong ng terorismo at fake news.
Read: http://www.veritas846.ph/hakbang-ng-fb-kontra-terorismo-pinuri-ng-simbahan/
Una na ring nakipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan kanilang iniulat na may 63 ang Facebook accounts ng mga jihad supporters.
Sa isang pahayag ng Facebook, tiniyak nito na ang gagawing hakbang para matiyak na maalis sa site na naguudyok ng karahasan at mga maling impormasyon.
Isa ang Pilipinas sa pinakamaraming gumagamit ng internet sa Asya na may kabuuang 44.2 million at 94 percent dito ang may social media account tulad ng Facebook at twitter base sa pag-aaral noong 2015.
Ayon kay Pope Francis, lumilikha ng tulay sa pagitan ng tao at ng kanyang komunidad ang isang maayos na pakikipag-usap kung sasamahan ito ng pag-ibig at hindi ng karahasan.