832 total views
Ito ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang dapat matutunan at manahan sa bawat isa upang maging instrumento ng Panginoon sa kanyang mga milagro tulad na lamang ng naging buhay ni St. Anthony of Padua.
Sa kapistahan ni St. Anthony of Padua sa Bustillos, Sampaloc, Manila, inihalimbawa ni Cardinal Tagle ang buhay ni St. Anthony of Padua na nagpasakop sa Panginoon at ginamit sa kabutihan ang kakayahan para naging instrumento ng kanyang milagro.
Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang bawat isa ay maaring maging instrumento ng milagro ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkikipagkapwa, pagbabahagi ng kaloob na kakayahan at pagiging misyunero ng Mabuting Salita ng Diyos.
“Yung tatlo communion, participation, mission yan ang gustong gawin ng Diyos, yan ang milagro and God is looking for agents like Saint Anthony, we hope that all the devotees of Saint Anthony especially those who frequent in this Sanctuary, in this Shrine would become really agents of the miracle that we need in our time, the miracle of Communion instead of division, the miracle of Participation instead of individualism, the miracle of Mission, outreach instead of organic preoccupation and self-interest”. Mensahe ni Cardinal Tagle.
Iginiit ng Kardinal na ang milagro ng Communion ay mapagkumbaba na nagdudulot pagkakaisa sa bawat isa.
“When you look for Communion you become humble, walang nagmamataas, walang nagmamapuri. Ang karahasan ng mundo natin ngayon galing yan sa mga mayayabang at mga nagmamalinis we need a new story, the miracle of Communion look for what we hold in common but we ask for wisdom from above, the wisdom that the God of Communion alone could give.” paliwanag ni Cardinal Tagle.
Iginiit din ni Cardinal Tagle na nagtatapos ang bawat Misa sa isang misyon na ang mga mananampalataya ay tinatawagan upang ibahagi sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan ang kanilang mga narinig at naranasan mula sa mga Mabuting Balita at Salita ng Diyos.
Dahil dito hamon ng Cardinal sa bawat pagtatapos ng Misa ay dapat na nagmamadaling maghanap ng mapupuntahan ang bawat isa kung saan maibabahagi ang milagro ng Panginoon sa sangkatauhan.