187 total views
Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na ang mga ideyang magmumula sa millenials ay makakalikha ng isang magandang obra.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary for Public Affairs, Communications and Special Projects Ricky Alegre, maglulunsad ang kagawaran ng kompetisyon sa paglikha ng video advertisement campaign na magpapakita ng natural na ganda ng Pilipinas.
Kasabay nito ay hinihikayat ng kalihim ang mga amateur at professionals sa larangan ng multimedia partikular na ang mga kabataan na makilahok sa isasagawang patimpalak na sesentro sa tourism slogan na ‘It’s More fun in the Philippines’na gagamitin ng kagawaran sa paghikayat ng mga turista na bumisita sa bansa.
“We saw the reaction of the netizens and how much they want to be part of it. We will be soon calling for entries and we will work with the schools so that we can get young and fresh ideas from the school as well as the creative community. We know na iba yung perspective ng millenials so we still want to see that. Alam mo at the end of the day we will still need an agency to pull it all together so we just have to have more people to express and tell us what’s on their mind,” pahayag ni Alegre.
Magugunitang una nang pinutol ng D-O-T ang kontrata nito sa advertising agency na McCann World Group Philippines kasunod ng kontrobersyal na promotional video na ‘Sights’ na malaki ang pagkakatulad sa tourism campaign ng South Africa noong 2014.
Sa tala ng D-O-T, mahigit sa 579-libong turista ang bumisita sa bansa noong nakaraang Pebrero, mas malaki ng 5 porsiyento kung ikukumpara sa 546-libong turista na pumunta sa bansa sa parehong buwan noong 2016.
Naniniwala naman ang Kanyang Kabanalan Francisco na matatamo ang pangkalahatang kaunlaran at maiwasan ang diskriminasyon sa pagitan ng iba’t ibang lahi kung itataguyod ang turismo ng bawat bansa.