248 total views
Napakahalaga ng Earth Hour.
Ayon kay Fr. Benny Tuazon, head ng Ecology Ministry ng Archdiocese of Manila, maisasalba ng Earth Hour ang buhay ng tao, hayop maging ng halaman.
Ito’y sa pamamagitan ng sama-samang pagtitipid sa paggamit ng kuryente o ang sabay-sabay na hindi pagbubukas ng elektrisidad sa loob ng isang oras para na rin mabawasan ang masamang epekto ng nagbabagong klima.
Sinabi ng pari na isa sa nagpapala ng epekto ng climate change ay ang iresponsableng paggamit ng kuryente.
Dahil dito, inaanyayahan ni Fr. Tuazon ang mga kapanalig na makilahok sa Earth Hour na isasagawa sa March 19, 2016 mula alas 8:30 ng gabi hanggang alas 9:30 ng gabi.
“Patuloy ang pag-aanaya sa ating mga kapanalig na makilahok sa eath houir, pagpapakita na pag tayo ay sabay sabay o nagkakaisa na magtigpid sa kuryente, malaking bagay na maitutulong nito sa pagsalba sa ating kalikasan, laban sa climate change na nagkakaroon ng hindi magandang epekto sa tao, buhay ng hayop maging sa halaman
Hinihikayat natin na gamitin nating maayos ang ating kuryente, kung regular itong gagawin malaki ang matitipid.” Pahayag ni Fr. Tuazon sa panayam ng Radyo Veritas
Ito na ang ika-10 beses na makikilahok ang Pilipinas sa Earth Hour na una ng inilunsad ng Worldwide Fund for Nature noong April 1961 sa Switzerland na layuning protektahan ang kalikasan mula sa pagbabago ng klima.
Nasa 26 na bansa na ang nakikilahok sa Earth Hour.
Isinagawa ang unang Earth Hour noong March 31 2007 ng WWF-Australia bilang suporta sa climate change kung saan mahigit 2.2 milyong mamamayan at 2,000 businesses ang nagpatay ng kanilang ilaw sa loob ng isang oras.
Una ng naglabas ng kanyang encyclical on ecology na Laudato Si’ si Pope Francis para sa pangangalaga ng kalikasan upang mailigtas ang kasalukuyang mundo at ang hinaharap na henerasyon.