422 total views
Mga basag na imahe ng mga poon at nagkalat na mga ‘consecrated host’.
Ito ang iniwanag pinsala ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pumasok sa San Jose Chapel sa Barangay Malakagit, Pigkawayan North Cotabato.
Ayon kay Father Dominic Villa, parish priest ng San Blas Parish sa Pigkawayan at in-charge sa chapel ng barangay, nadatnan niya ang mga basag na imahe at nagkalat na mga ostiya sa loob ng kapilya.
Inihalimbawa ng pari ang kawalang paggalang ng BIFF sa ginawang paglapastangan ng Maute Group sa St. Mary’s Cathedral sa Marawi city na binasag ang mga imahe ng santo maging ang tabernakulo kung saan nakalagay ang mga concecrated host.
“Just like what they did in Marawi church. Sinira ang mga statues at consecrated hosts sa tabernacle,” ayon kay Fr. Villa.
Kinondena naman ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang ginawa ng mga bandido lalo na sa mga ‘sacred hosts’ na para sa mananampalataya na may 500 parishioners ng Malagakit chapel.
“As the leader of the Archdiocese of Cotabato, I condemn in the strongest terms possible the wicked desecration of the Catholic Chapel of Malagakit in the parish of Pigcawayan and most especially of the Sacred Hosts that were kept there for the Catholic faithful. These are irreligious acts that cry out to heaven. Such acts are similar to the desecration of a mosque and the sacred Qur’an by non-Muslims. Both desecrations are gravely sinful. If the BIFF wants to have an image as a respecter of all religions, it must punish its members who perpetrated the odious desecration in Malagakit and educate all its members in strictly respecting other religions. I enjoin the Catholic faithful of Malagakit to restore the sacredness of their chapel and ask all the faithful of the Archdiocese to pray for peace and harmony among all believers of different religions,” bahagi ng statement ni Cardinal Quevedo.
Sa kasalukuyan ayon kay Fr. Villa, hindi pa rin pinapayagan na manatili ang mga residente sa kanilang mga bahay habang patuloy ang pagtugis ng militar sa mga tumakas na miyembro ng BIFF.
Sa ulat, apat mula sa 40 barangay sa Pigcawayan ang naapektuhan ng ginawang paglusob ng BIFF kung mahigit sa 500 residente ang nagsilikas at kasalukuyan nasa evacuation center sa munisipyo ng Pigcawayan at mga bahay ng kanilang mga kamag-anak.
Ang Pigkawayan, North Cotabato ay may kabuuang 60 libong populasyon.
Sinabi ng pari na hindi ito ang unang pagkakataon na nilusob ang kanilang lugar ng mga armadong grupo.
Aniya ang unang insidente ay naganap noong 2014 ng Disyembre kung saan ilang residente rin ang mga binihag na kalaunan ay pinalaya rin.
Sa kasalukuyan, nangangamba ang pari sa kakaibang ideolohiya ng mga bandido na may impluwensya na ng Islamic State.
Una na ring binigyan diin ng Santo Papa Francisco ang obligasyon ng bawat isa na iwaksi ang mga paglabag sa karangalan ng tao, karahasan at paglapastangan na ginagamit pa ang relihiyon.