176 total views
Naniniwala si dating NBN-ZTE deal whistle blower Jun Lozada na ang pagkakaroon ng may magandang karakter na pinuno ang kailangan ng ating bansa para sa isang maayos na pamamahala.
Nanawagan si Lozada na mula sa pananalangin, pag-ayuno at pagsasakripisyo ngayong Kuwaresma ay i-alay ng mga Filipinong Katoliko para sa nalalapit na halalan.
Inihayag ni Lozada na isang may malasakit sa bayan ang kailangang maihalal na bagong mga pinuno upang maibigay ang pangangailangan ng mga mahihirap.
Iginiit ni Lozada na malaking pasakit sa mga mahihirap ang hindi agad pagtugon sa kanilang pangangailangan lalu na sa loob ng anim na taon.
Binigyan diin ni Lozada na may magandang karakter na lider ang kailangan ng bayan upang umunlad ang Pilipinas.
“Malaki dapat ang ginagawa ng gobyerno para sa mahihirap. Malaking challenge, i-sacrifice ngayong holy week para sa magandang election. Sabay sabay na mananalangin na biyayaan naman tayo ng isang maayos na lider. Hindi natin ma-achieve at ang god given potential ay kakulangan ng resources kundi kakulangan talaga ng character.”pahayag ni Lozada
Pinaalalahanan din ni Lozada ang mga botante na mag-ingat sa mga pulitiko na dati ng may mga record ng korupsiyon at huwag ng ibalik pa sa puwesto.
Matatandaang si Jun Lozada na dating chief executive officer ng Philippine Forest Corporation at consultant ng NEDA ang naging statewitness sa 329-million dollar NBN-ZTE deal scam noong taong 2008.