233 total views
Kayang protektahan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang mga mamamayan
ng Mindanao laban sa banta ng terorismo kahit walang Martial law.
Ito ang paninindigan ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs (CBCP-PCPA) kaugnay sa isang buwang pag-iral ng batas militar sa rehiyon.
Ang usapin ng martial law ay kasalukuyang dinidinig sa Mataas na Hukuman kaugnay na rin sa apela ng ilang grupo hingil sa legalidad nito.
“We have scant news about the impact of ML in Mindanao. What the military are doing, so far, can be done even without ML,” ayon sa mensahe ni Fr. Secillano.
Mungkahi rin ng pari ang patuloy na pagbabantay kung paano umiiral ang batas sa lugar kaugnay na rin sa pangunahing mandato nito na pagpapanatili ng peace and order.
Umaasa din si Father Secillano na magkaroon ng “self-censorship” ang gobyerno kaugnay sa pagpapatupad ng rule of law.
”I think, there ought to be a strong civil society group in Mindanao that should monitor how martial law is affecting the peace and order situation in the region. How human rights are impacted and how Minadanaoans view the whole process. More importantly, the government should exercise self-censorship with a view to upholding the rule
of law.”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas
Sa loob ng isang buwang pag-iral ng martial law sa Mindanao, patuloy pa rin ang kaguluhan sa Marawi City sa pagitan ng Maute group at mga sundalo kung saan higit sa 300 libo ang naitalang evacuees habang mahigit sa
300 ang nasasawi sa digmaan.
Hindi pa nababawi ng gobyerno ang Marawi sa Maute, umatake naman ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Pigcawayan, North Cotabato kung saan 500 mula sa apat na Barangay ang lumikas.
Mariin namang itinanggi ng Armed Forces of the Philippines na ang nangyari sa Pigcawayan ay spill over
nang kaguluhan sa Marawi City.