547 total views
Maging malambot ang puso at masayang paglilingkod ang panawagan ng Santo Papa sa pagdiriwang ng Solemnity of St’s. Peter and Paul –na pagdiriwang din ng Pope’s Day.
Ito ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani kaugnay sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa mga Obispo ng simbahan na maging ‘Lolo’ sa mga mananampalataya.
“Alam mo naman ang lolo, malambot ang puso kaysa sa Tatay. Ang mga Lolo mas nag-eenjoy sa mga apo, yan ang malaking bagay sa mga lolo at lola, mas enjoy nga sila kaysa sa mga magulang e, palagay ko gusto nyang sabihin ay, You enjoy your people and help them the best you can. But be happy in the service of them. Be selfless, ganyan ang Lolo at Lola,” ayon kay Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.
At bilang mga Lolo, ayon kay Pope Francis ay dapat na patnubayan ang mga ito para sa kanilang mga pangarap at pagbabahagi ng mga karanasan maging ang pagharap sa buhay ng may pag-asa.
Ang mensahe ng Santo Papa Francisco ay ibinihagi niya sa may 50 miyembro ng College of Cardinals na dumalo sa kaniyang ika-25 anibersaryo bilang Obispo.
Ang 80 taong gulang na si Pope Francis ay inordinahan bilang Obispo noong 1992 at ang itinalagang ika-266 na pinuno ng simbahang katolika noong 2013.