Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Global Challenges o mga Pandaigdigang Hamon

SHARE THE TRUTH

 1,211 total views

Kapanalig, ayon sa World Economic Forum (WEF), may limang pangunahing hamon o key challenges ang sandaigdigan ngayon.

Dalawa sa mga hamon na ito ay may kaugnayan sa ekonomiya. Mas kailangan na, kapanalig, na gawing mas masigla ang pagbuhay at pag-angat ng mga ekonomiya ng mga bansa ngayon. Mas lumalawak na ang income disparity o hindi pagkapantay pantay hindi lamang sa ating bansa, kundi sa maraming bansa sa buong mundo. Naging mas mahirap pa ito tugunan ngayon dahil ang “mood’ o political climate sa maraming mga bansa, ayon sa WEF, ay “anti-establishment populism.” Ramdam ito sa ating bansa, kapanalig. Ang karamihan sa ating mga demokratikong institusyon ay tila sinusubukan ngayon, at hindi na kasing lakas o kasing lawig ang suporta sa mga ito. Ang pangalawang hamon: kailangan na nating suriin ang merkado at lipunan. Gaano ba tayo naging “inclusive” bilang isang bansa?
Kaugnay ng pagsusuri na ito ang ang susunod na hamon sa ating daigdig: ang identity at community, o pagkakilanlan at komunidad. Sa buong mundo kapanalig, nagbabago ang mga pananaw at ugali mula sa indibidwal na lebel hanggang sa malawakang lipunan. Ang ating mga depinisyon ng kasarian, lahi, kulay, relihiyon, pati politika ay nagbabago. Marami na ang nalilito. Nagkakaroon, ayon sa WEF, ng “cultural schisms.” Mas lalo tayong kumakalas sa isa’t-isa kapanalig, sa halip na maghawak kamay at sabay sabay iangat ang buhay ng kapwa.

Sa gitna ng pagbabago na ito, ang teknolohiya ay nagdadala rin ng mga bagong inobasyon na bumabago rin ng ating buhay. Ito ang pangatlong hamon. Paano ba natin mapapamalakaya at magagamit ang teknolohiya upang payabungin ang buhay ng tao? Sa ngayon, ang kapangyarihan ng teknolohiya ay tila parehong regalo at sumpa. Ang mga global-wide virus at ransomware attacks, ang hacking, at iba pa, ay malaki ang banta sa buhay at kabuhayan ng tao. Kaya nitong sirain ang ilang taon ng pagsasa-ayos ng mga procedures at sistema ng mga organisasyon at ahensya. May kontrol rin ang teknolohiya sa takbo ng pera.
Ang mga isyung pangkalikasan ay isa rin sa mga pangunahing hamon ng maraming mga bansa ngayon. Handa ba tayo, kapanaig, sa climate change? Kaya ba nating harapin ang mga pagbabagong dala nito sa ating weather patterns? Maliban sa climate change, kamusta na ang ating karagatan, ang hangin, at ang lupa? Tatagal pa ba sila ng maraming panahon, o matatabunan na lamang sila ng ating mga basura?
Ang global na kooperasyon ay panglima sa mga hamon na hinaharap ng mga bansa ngayon. Nagkakaisa pa ba ang mga bansa ng mundo? May mga pamantayan ba tayong sinusundan at nirerespeto na gumagabay sa ating pakikisalamuha at pakikipag-ugnay sa isa’t isa?
Kapanalig, ayon nga sa Laudato Si, tayo ay isang pamilya, at iisa ang ating tahanan. Ang lahat ng hamon na ito ay hamon sa atin bilang isang pamilya. Sa gitna ng lahat ng pagbabago at ng mga problema, magsasama sama nawa tayo. Iisa lamang ang ating mundo. Magkakaiba man tayo, iisa lamang ang ating pamilya. Nawa’y tayo’y magkaisa.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 4,196 total views

 4,196 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 11,319 total views

 11,319 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 18,522 total views

 18,522 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 23,876 total views

 23,876 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 31,482 total views

 31,482 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Veritas Team

Bantayan—at ipagdasal—ang bagong pinuno ng PhilHealth

 3,034 total views

 3,034 total views Mga Kapanalig, sa ilalim ng Section 14 ng Universal Health Care Law, malinaw na nakasaad na ang presidente at chief executive officer ng PhilHealth ay dapat na may hindi bababa sa pitong taóng karanasan sa larangan ng public health, management, finance, at health economics. Ngunit mismong ang bagong talagáng pinuno ng PhilHealth na

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Weeds Among the Wheat: A Parable of Our Struggles

 1,345 total views

 1,345 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XVI-A, 23 July 2017 Wisdom 12:13,16-19//Romans 8:26-27//Matthew 13:24-43 There is no doubt among us believers of God’s power and might, of His immense love and goodness, of His wisdom and knowledge of everything. But when we observe how things are going on in the world

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Parable of the Sower, A Parable of Our Life In Christ

 1,082 total views

 1,082 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XV-A, 16 July 2017 Isaiah 55:10-11//Romans 8:18-23//Matthew 13:1-23 Starting today we get into the heart of Jesus Christ’s preaching, the parables. In St. Matthew’s gospel account, chapter 13 constitutes a well-defined structure of a collection of parables referred to as “Discourse on Parables” from which

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

God-Centered Life

 1,022 total views

 1,022 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XIV-A, 09 July 2017 Zechariah 9:9-10//Romans 8:9,11-13//Matthew 11:25-30 You must be so familiar with our Gospel today where Jesus calls us to “Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest.” (Mt.11: 28) Often described as the “sweetest

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Mga Migranteng Muslim

 901 total views

 901 total views Mgab Kapanalig, ang mahal na Santo Papa ay muli na namang nag pamalas ng isang napakagandang aral nang siya ay tumungo sa isla ng Lesbos sa bansang Greece. Dinalaw niya ang mga migrante na nasa isang “refugee camp.” Doonsa Lesbos ay nakisalamuha siya sa mga migranteng mula sa Syria, silang mga lumisan dahil

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top