259 total views
May sapat na supply ng tubig sa Metro Manila sa kabila ng nararanasang El Niño phenomenon na labis na ngayong naapektuhan ang Mindanao.
Ayon sa Hydrologist ng Pagasa na si Ricjhard Orendain, wala pa silang nakikitang problema pagdating sa supply ng tubig sa NCR mula sa mga dam na may sapat na tubig pa rin bunsod ng mga sunod-sunod na bagyo noong 2015.
Sa forecast ng Pagasa, nasa below average o nasa 200.82 meters ang sukat ng tubig sa mga Dam o may volume na 700.86 million cubic meters hanggang katapusan ng Marso.
Ayon kay Orendain, ang critical level ay nasa 180 meters at ito ay magaganap pa sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo.
“Sa forecast nasa below average tayo ngayong buwan in a sense marami pa rin tayong tubig hindi tayo magkukulang ng tubig, katunayan sa computation namin sa end of March is 200.82 meters, ‘yung volume niya is 700.86 million cubic meters pa…ang critical level nito nasa 180 meters o below na kalagitnaan ng Hulyo.” Pahayag ni Erandain sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, sa usapin ng sunog ngayong Fire Prevention Month, inihayag ni Erandain na sapat ang supply ng tubig kung kinakailangan ito ng mga truck ng bumbero na sasaklolo sa mga insidente ng sunog.
“Available na available naman po kung kailangang-kailangan ng tubig lalo na sa mga sunog, eh may sapat na supply tayo.” Ayon pa kay Erandain.