277 total views
Ito ang ibinahagi ng grupong Global Catholic Climate Movement na layuning mahikayat ang may 1-milyong Katoliko na lumagda sa pangako para sa kalikasan at isabuhay ang mga turo ng Santo Papa sa encyclical nitong Laudato Si.
Bunsod nito, labis ang pasasalamat ni Tomás Insua, Executive Director ng G-C-C-M international sa Santo Papa dahil sa pagkilala nito sa kanilang hakbang na mapataas ang kamalayan ng bawat tao kaugnay sa kinakaharap na krisis ng ating kapaligiran lalo na ang climate change.
Ayon kay Insua, ang endorsement ng Santo Papa sa inisyatibo ay nagbibigay inspirasyon sa grupo na paigtingin ang paglaban sa nakaambang “ecological crisis”.
“We are grateful and inspired by Pope Francis’ endorsement of the Laudato Si’ Pledge. With 1.2 billion Catholics around the world, we have a critical role to play in tackling climate change and the wider ecological crisis. Pope Francis has already changed the discussion around climate change and this pledge is inviting us to put the Church’s teachings into action and answer the urgent call for strong political action and lifestyle change put forth in Laudato Si’,” pahayag ni Insua sa Radio Veritas.
Samantala, bukod kay Pope Francis, inendorso rin ang Laudato Si Pledge ng ilan pang pinuno ng simbahan at mga kilalang environmentalist na sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, CBCP President Socrates Villegas, Cardinal Peter Turkson, Presidente ng Pontifical Council for Justice and Peace, Cardinal John Ribat ng Papua New Guinea, Cardinal Blasé Cupich ng Chicago, Cardinal Reinhard Marx ng Germany, UN Secretary-General Antonio Guterres, former UN Climate Chief Christiana Figueres at 350.org Executive Director May Boeve.
Ang paglagda sa kasunduan ay nangangahulugan na ang isang tao ay nangangakong magbabago sa gawi ng kanyang pamumuhay o ang pagbabago ng lifestyle upang makamit ang ecological conversion na panawagan ni Pope Francis sa Laudato Si.
Matatandaang unang inilunsad ang Laudato Si Pledge sa Pilipinas noong ika-18 ng Hunyo kasabay ng Anibersaryo ng pagsasapubliko ng encyclical na Laudato Si at patuloy pa itong pinalalawig sa pamamagitan ng nalalapit na selebrasyon ng Season of Creation.