153 total views
Kinondena ng dating chairman ng Human Rights Commission ang hindi pagkilala ng Court of Appeals sa 2-bilyong dolyar na damage claims ng mahigit sa 10-libong human rights victims sa panahon ng martial law ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Etta Rosales, dating chairman ng C-H-R at isa sa mga human rights petitioner na may diplomatic relation ang Pilipinas sa Amerika kayat lehitimo ang kanilang desisyon sa human rights claims ng mga biktima.
Bagama’t iba’t-iba ang kaso ng human rights, iginiit ni Rosales na ang pagsasawalang bahala ng C-A sa claims ay kakaiba dahil ang paglabag sa karapatang pantao ay pare-parehong paglabag sa dignidad ng bawat nilalang.
“Ang sinasabi namin, we have diplomatic relation with the United State government and by tradition usually ang mga foreign judgement of either country as long as they are legitimate and maayos no, they were adopted by the court can infact be enforce dito sa bawat isa, di dapat tingnan yung merit, kasi ginagalang yung bawat isa, tinitingnan mo na lang ay yung jurisdiction,” ayon kay Rosales.
Unang isinantabi ng 12th division ng C-A ang desisyon ng US federal government noong 1995 sa petisyong isinampa ni Rosales para ipatupad ang pagkakaloob ng 2-bilyong dolyar na danyos perwisyo sa mga biktima ng human rights.
Ang desisyon ay kasunod na rin ng pagtutol ng pamilya Marcos sa pagbabayad sa mga biktima ng human rights sa kabila ng naunang desisyon ng foreign court.
“No less than US supreme court and Swiss federal court recognized kaya nga inilipat yung pera ni Marcos, yung dummy foundation, dahil tingin nila nakaw yan. In essence kinilala ng mga korte na si Marcos ay magnanakaw. And therefore, Kaya ang mga perang ito ibinibalik. So yung judgement, na lamang nila na itong si Marcos di lang sya nagnakaw, kundi nanakit siya sa karapatang pantao ng mga biktima. Kaya sinasabi sinumang despotic leader na siyang nananakit sa kanyang kababayan, you can file for civil damages. Yan ang pagkilala dun sa mga biktima sa mga despotic leader na lumilipat sa US para tumatakas sa kanilang bansa. Ngayon walang katwiran na hindi mo iginagalang yung enforcement nito sa Philippine shore,” paliwanag ni Rosales sa panayam ng Radio Veritas.
Base sa datos, may 70 libo ang mga nakulong noong Martial law, 34 libo ang nakaranas ng torture at higit sa tatlong libo ang nasawi.
Sa mensahe ni Pope Francis, ang pagsusulong ng karapatang pantao ay hindi dapat matapos at kailangang kilalanin bilang pangunahing karapatan ng bawat isa.