147 total views
Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga senador ang pag-apruba ng kongreso sa Martial Law Extension sa isla ng Mindanao.
Sa botong 261-18, 245 na kongresista at 16 na senador ang pumabor sa petisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang Martial Law hanggang ika-31 ng Disyembre habang 4 na senador at 14 na kongresista naman ang nagpahayag ng kanilang pagtutol dito.
Kasabay ng kanyang pagsuporta sa pagpapalawig ng Batas Militar saa Mindanao ay ipinaalalahan ni Senator Grace Po ang awtoridad na gamitin ng tama ang kapangyarihang muling ipinagkaloob sa kanila gayundin ang pagbibigay-prayoridad sa mga bakwit at paggalang sa relihiyon ng mga residente sa lugar.
“Hinihingi ko ay isang mekanismo kung saan ang kongreso at senado ay pwedeng magreview ng mga nangyayari kasi itong kapangyarihan ng Martial Law, kami ang nagpatupad na pwede itong i-extend kaya kami rin ang pwedeng magpawalang-bisa nito kapag nagkaroon ng abuso. Kung ito ay paglabag sa ating konstituson, responsiblidad natin na magsalita laban dito,” panawagan ng senador.
Sinalungat naman ni Senator Franklin Drilon ang desisyon na i-extend hanggang sa katapusan ng taon ang Martial Law dahil malinaw na nakasaad sa konstitusyon na 60 araw lamang at unti-unti na aniyang humuhupa ang tensyon sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at teroristang grupong Maute sa lugar.
“We were saying that we should limit it [Martial Law] to the areas where there is actual rebellion and that is not only an opinion, that is what the Supreme Court said. A mere threat of rebellion is not a basis for the continuation of Martial Law. So we strongly believed that Martial Law Extension should be limited to 60 days and that there is absolutely no evidence that actual rebellion persist in the areas other than Marawi City. Those are the reasons why we voted no,” pahayag ng senador.
Bukod kay Drilon, kabilang din sina Senator Francis Pangilinan, Bam Aquino at Risa Hontiveros sa mga senador na hindi sang-ayon sa Martial Law Extension.
Samantala binigyang-diin ni Senator Miguel Zuburi na ‘masyadong maikli’ ang dalawang buwan na sinasabi ng batas dahil aabutin pa aniya ng isang taon bago tuluyang maisayos ang mga nasirang impratruktura dulot ng digmaan at rehabilitasyon ng Mindanao.
“Masyadong maikli ‘yung 60 days lamang. Feeling ko after 60 days, babalik muli kami dito. Bakit? ‘Yung rehab at reconstruction ng Marawi, matagal ‘yon. It will take at least one year. Sa isang taon na ‘yon, I’m sure subject to harassment from terrorist groups itong mga contructors and construction companies Kaya kailangan nating protektahan sila,” ani Zubiri.
Idinagdag pa ni Zubiri na isang magandang pagkakataon ang pagpapatuloy ng Martial Law upang magalugad ang mga iba pang mga lalawigan sa isla na maaaring pinagtataguan ng Maute Group at mga armadong grupo.
Pinangunahan ni Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez ang ginanap na Special Joint Session on Martial Law Extension sa kongreso, dalawang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.
Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco lider ng bawat bansa gayundin sa mga kintawan ng simbahang katolika na maging instrumento sa pagsupil ng karahasan sa lipunan at pagtamo ng kapayapaan sa buong mundo.