186 total views
Ito ang panawagan ni San Jose Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga mag-aaral.
Paliwanag ng Obispo hindi lamang karunungan ang mahalaga kundi ang pagpapakatao at maging Bahagi sa kaayusan at katarungan ng lipunan.
Inihabilin naman ni Bishop Mallari sa mga estudyante ang pagbubukas ng loob at pagtanggap sa Banal na Espiritu upang maging gabay sa kanilang paglalakbay bilang mga mag-aaral.
Kaugnay nito, mahigit sa pitong libong bagong estudyante ng Univeristy of the Santo Tomas (UST) ang dumaan sa Arch of the Centuries-isang matandang tradisyon ng paaralan bilang pagbati sa mga bagong miyembro ng Thomasian community at hudyat ng pagsisimula ng buhay estudyante.
Ang Arch of the Centuries ay ang sinaunang pintuan ng paraalan noong ito pa ay nasa Intramuros, Manila na isang simbolo ng pagsisimula.
Pinangunahan ni UST vice-rector Rev. Fr. Richard Ang, OP ang banal na misa na dinaluhan ng mga freshmen grade 11 students na ginanap sa Quadricentennial Pavillion.
Sa homiliya, binigyan diin ng pari ang iba’t- ibang mga pagsubok sa pag-aaral na maaring harapin ng bawat estudyante na dapat malagpasan para sa hinahanap na tagumpay.
“I am climbing my mountain, I will do it. I will make it. You will see it,” ayon kay Fr. Ang bilang mensahe sa mga bagong mag-aaral ng UST.
Pinaalalahan din ni Fr. Ang ang mga mag-aaral na maging bahagi ng pagbabago ng lipunan hindi lamang sa karunungan kundi ang pagkakaroon ng puso para magmalasakit sa kapwa.
Ayon pa kay Fr. Ang, “You’ve got to have a big heart, you have to think, feel and you have to do something.”
Ang UST ay binubuo ng higit sa 40 libong mag-aaral, kabilang na dito ang may pitong libong estudyante na pumasok para sa senior high school.