192 total views
Lungkot ang galit ang naramdaman ni Clemente Bautista National Coordinator ng Kalikasan Peoples Network for the Environment sa pag-reject ng Commission on Appointments kay Welfare Secretary Judy Taguiwalo.
Iginiit ni Bautista na sa kabila ng magandang records na nagawa ni Taguiwalo, ipinakita ng CA sa kanilang pag-reject sa appointment ng kalihim na mas matimbang pa rin ang personal na interes ng mga Kongresista at Senador kaysa sa kapakanan ng taumbayan.
“Nakakalungkot at nakakagalit na ang isang mahusay na tagapaglingkod ng mamamayan ay hindi in-appoint ng Commission on Appointments at hindi sinuportahan ni Presidente Duterte kahit na kaya nya namang sabihan at impluwensyahan ang Commission on on Appointments, at karamihan dito ay mga kaalyado niya,” pahayag ni Bautista sa Radyo Veritas.
Tinukoy ni Bautista na inulit lamang ng CA kay Taguiwalo ang kanilang ginawa kay dating Environment Secretary Gina Lopez na tila pinagtulungan at iniwanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naunang tinawag ni NASSA/Caritas Philippines executive secretary Father Edu Gariquez na wrong judgement ang ginawa ng makapangyarihang CA kay Taguiwalo.
Ang CA ay binubuo ng 25-miyembro mula sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Read:
Pagbasura sa ad interim appointment ni Taguiwalo, wrong judgement
Laging ipinaalala naman ng Simbahang Katolika na ang mga katangiang mahalagang taglayin ng isang mabuting lider sa pamahalaan ay ang pagiging mapagpakumbaba, at pag-una sa kapakanan ng mga mahihirap.