220 total views
Ito ang hamon ni Balanga Bishop Ruperto Santos – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa bawat mananampalataya ngayong panahon ng kwaresma.
Ayon kay Bp. Santos hindi sapat ang mga dasal para sa mga nangangailangan, dahil kinakailangan ng mga mahihirap ang kongkretong tulong tulad ng pagbibigay ng makakain.
Dagdag pa ng Obispo, ang pananalangin at pagkakawanggawa ay hindi lamang dapat ginagawa sa panahon ng kwaresma kundi dapat ito ay maging bahagi ng araw araw na pamumuhay ng isang tunay na kristiyano.
“Hindi lamang tayo ay nagdarasal kundi tayo ay gumagawa, hindi lamang tayo pumapasok sa simbahan, pinuntahan din natin ang ating kapwa na nangangailangan at iyun ay sinasabi natin na hindi lamang minsanan, hindi lamang sa panahon ng kwaresma, hindi lamang dahil taon ng awa, bagkus gawin nating maging kaugalian.” Ang pahayag ni Bp. Santos sa Radyo Veritas.
sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS sa pagtatapos ng 2015, 50-posyento o katumbas ng 11.2-milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay nananatiling mahirap.
Samantala sa katuruan ng simbahan, ang pagtulong sa kapwa ay isang uri ng corporal works of mercy kung saan sa pamamagitan ng pagbibigay ng makakain, maiinom at mga damit, ay si Hesukristo mismo ang ating pinaglingkuran.