Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

State policy sa “war on drugs”, baguhin

SHARE THE TRUTH

 434 total views

Napapanahon ng palitan ng pamahalaan ang patakaran at polisiya hinggil sa war on drug kasunod ng pagkamatay ng isang menor de edad na si Kian Loyd Delos Santos.

Ayon kay Nardy Sabino-tagapagsalita ng Promotion of Church People’s Response (PCPR), hindi na dapat ang Philippine National Police (PNP) ang pangunahing ahensiya na tututok sa problema kundi ang Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Labor and Employment (DoLE).

“Baguhin ang state policy towards the eradication of illegal drug trade. Dapat kasi makita ito ng pamahalaan bilang sakit,” ayon kay Sabino.

Giit ni Sabino kung tunay na naawa ang Pangulong Duterte at hindi sang-ayon sa pagkakapaslang kay Delos Santos ay dapat na nitong baguhin ang mga patakaran at itigil na ang mga pagpaslang na ang panguhing target ay mga mahihirap at walang kakayanang ipaglaban ang karapatan.

“Ang problema kasi habang nakaburol si Kian, may napapapatay din. Habang nakaburol si Kian, nalalabag pa rin ang karapatang pantao. Yung sa Payatas nagbabahay bahay dina-drug test ang mga tao. Hindi yun ang kailangan ng mga tao, ang kailangan ng mga tao ay trabaho, serbisyo at yung paggalang sa kanilang karapatan,” ayon kay Sabino.

Base sa pinakahuling ulat, higit na sa 12 libo katao ang napapaslang na may kinalaman sa illegal na droga at malaking bahagi ng bilang na ito ay pawang mga mahihirap.

Sa inilabas na pahayag ng Redemptorist Missionaries of the Philippines, kinondena nito ang mga pagpaslang na tanging mahihirap na pamilya ang biktima.

Binigyan diin ng RMP na sa halip patayin ay dapat bigyang tulong ang mga lulong sa masamang bisyo na makapagpanibago at magkaroon ng kanilang pangkabuhayan upang maiwaksi ang pagbebenta ng illegal drugs.

Una na ring binatikos ng Duterte Administration ang Simbahang Katolika sa pamumuna sa mga pagpaslang gayung walang ginagawa para tumulong sa talamak na problema ng bansa sa drug addiction.

Wala bang ginagawa ang Simbahan?

Sinupalpal ng mga lider ng Simbahang Katolika ang pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nitong walang ginagawa ang Simbahan sa malaking programa ng Pilipinas sa iligal na droga.

GALILEE Homes, Ang Galilee Homes ay isang drug rehabilitation facility sa ilalim ng Diocese of Malolos na itinatag noong 1987.

Ang Galilee na may lawak na 3.5 hectares ay matatagpuan sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan na hindi tulad ng ibang rehabilitation centers, ito ay walang mataas na bakod, gate at guwardiya na nagbabantay.

Nasa loob ng tahanan si Kristo

“Napakasuwerte ko po, kasi hindi ko nakasalubong si kamatayan sa labas, kundi nakasalubong ko si Kristo sa loob ng tahanan (Galilee Homes Rehabilitation).” Si Lougene, 37 anyos – dating pusher at drug dependent simula edad 14 na kasalukuyang nananahan sa Galilee Homes bilang senior volunteer sa loob ng drug rehabilitation center sa ilalim ng Diocese of Malolos.

Ang Galilee Homes ay kasalukuyang may 36 na mga lalaking pasyente na nasa pagitan ng edad na 18-54 taong gulang para sumailalim sa 9 month program ng rehabilitation dahil sa pagkalulong sa illegal na droga.

Sa kabuuan simula ng itatag ang tahanan, higit na sa 600 na pasyente ang nagtapos at nakabalik na sa kanilang karaniwang buhay.

Ayon kay Lougene, nagdesisyon siyang pumasok sa rehabilitation noong July 17, 2017 para na rin bigyan ng kapayapaan ang kaniyang pamilya dahil sa pagkalulong sa bawal na gamot.

“Nakakapagod po, its about time na bigyan natin ng peace of mind ang ating mga mahal sa buhay. Wala pong mawawala sa atin kung isusuko natin ang sarili natin sa Diyos, lagi po nating tatandaan na makakapagbago lamang ang tao habang siya ay nabubuhay. Kung maari nga lang po na yung mga napatay ay nakapasok sa Galilee, sana hanggang ngayon ay buhay pa sila. Sana nakita nila ang pagbabago. Sa mga hindi pa namumulat, na iniisip na itinapon na sila ng lipunan, hindi po totoo yan. May Galilee po na naghihintay, may Diyos na naghihintay sa inyo, Tingala lang po sa langit, hindi pa po huli ang lahat,” ayon kay Lougene.

Ang Tahanan (Galilee) ay libre para sa mga nais na magbago.

Bukas din ang center sa mga nais na magbigay ng donasyon sa Galilee Homes, DRT Bulacan o maaring ihulog sa kanilang Land Bank account Baliwag Branch #012 -1112-65.

Nauna rito, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa sambayanang Pilipino partikular sa pamahalaan na huwag sumuko sa mga naliligaw ng landas lalo na sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamut.

See: Huwag sumuko sa mga naligaw ng landas sa droga -Cardinal Tagle

Inilunsad din ng Archdiocese of Manila ang “Huwag kang Magnakaw ng Buhay” campaign.

See:  Huwag Kang Magnakaw Ng Buhay Movement, ilulunsad ng Archdiocese of Manila

SANLAKBAY program, may 12 Parokya ng tutulong sa drug surrenderers

Simbahan, bukas ang pintuan sa drug dependents-Cardinal Tagle

Unang naglunsad ng community based-rehabilitation program para sa mga drug surrenderers ang Diocese
of Novaliches sa pangunguna ni Father Lucia Feloni.

Read: Diocese of Novaliches, may programa para sa drug surrenderees

Sa pakikipagtulungan sa local na pamahalaan, itinatag ng Archdiocese of Cebu ang Narcotics Anynomous Fellowship para tulungan na makapagbagong buhay ang libu-libong drug surrenderers.

Read: Arch. of Cebu, may programa sa drug surrenderees

Inilunsad din ng Diocese of San Pablo Laguna ang 12 Steps Rehab program para sa mga lulong sa droga na nagnanais magbagong buhay.

Read: 12 steps rehab program, inirekomenda ng Diocese of San Pablo.

Nagsisilbi sa kasalukuyan na pag-asa ng mga lulong sa droga ang itinatatag ng Diocese of Legazpi na HARONG PAGLAOM (House of Hope), isang community-based rehabilitation program na nagbibigay ng recovery coaching, spiritual guidance at life skills training sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamut katuwang ang local government units partikular ang mga barangay.

Read: Diocese of Legazpi, umaapela kay Pangulong Duterte na ipatigil ang EJK

Bukas din para sa mga drug surrenderer ang “Kakadua o Kasama program” ng Diocese of Bangued Abra.

Read: Kasama drug rehab program, inilunsad ng Diocese of Bangued

Kaisa naman ng Department of Interior and Local Government ang Archdiocese of Jaro sa programang MASA-MASID o Mamamayan Ayaw sa Anomalya-Mamamayan Ayaw sa Iligal na Droga.

Read: Jaro Archdiocese, inindorso ang MASA-MASID at UBAS

Patuloy din ang Military Ordinariate sa pagpapaigting sa values at spiritual formation ng mga kawani ng AFP at PNP.

Patatagin ang Social Communications Ministry ng Simbahan

Naunang inihayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nakahanda siyang pangunahan ang isang dayalogo sa pagitan ng gobyerno, otoridad, local na pamahalaan, non-governmental organizations, iba’t-ibang sector ng lipunan, mga biktima ng extra-judicial killings at mga taong nasasangkot sa kalakalan ng iligal na droga upang matigil na ang kaliwa’t-kanang patayan.

Read: Reflect, Pray and Act

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 7,803 total views

 7,803 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,926 total views

 14,926 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 22,129 total views

 22,129 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 27,483 total views

 27,483 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 35,089 total views

 35,089 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Arnel Pelaco

“Magpakatotoo: Magpakatao at Makipagkapwa-tao.”

 4,452 total views

 4,452 total views Ito ang hamon ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization bilang guest speaker sa Ateneo de Manila University college at graduate school class of 2024 noong ika-21 ng Hunyo 2024. Sa nasabing 2024 University commencement, ginawaran si Cardinal Tagle ng degree of Doctor of Philosophy, honoris causa. Sinabi ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mapayapang Ecumenical engagement sa ibang Denominasyon patuloy na isinasagawa ng Simbahan

 17,751 total views

 17,751 total views Naging maayos ang “ecumenical engagement” sa pagitan ng Ministry of Ecumenical and Interfaith Affairs ng Archdiocese of Manila at North American Old Roman Catholic Church (N-A-O-C-C) sa Villa San Miguel, Mandaluyong city noong September 14, 2023. Isinagawa ang peaceful dialogue sa pagitan ng Roman Catholic Church at NAOCC upang maayos ang hindi pagkakaunawaan

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Simultaneous outreach programs, isinagawa ng Diocese of Cubao

 18,151 total views

 18,151 total views Nagsagawa ng simultaneous outreach programs ang 46 Parishes ng Diocese of Cubao ngayong August 26, 2023 bilang bahagi ng ika 20 taong anibersaryo ng diyosesis. Ayon sa liham ni Bishop Ongtioco, layunin nito na iparamdam sa mga mananampalataya lalo na sa mga mahihirap na parishioner na ang diyosesis ay nakikiisa at dumaramay sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

P1M halaga ng shabu nakumpiska ng BOC

 17,668 total views

 17,668 total views Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang pagpasok sa bansa ng isang bagahe na may lamang P1.055 milyong halaga ng shabu. Ayon sa BOC ang idineklarang chocolate package ay nakitaan ng kahina-hinalang laman ng idaan sa x-ray inspection. Nakita sa loob ang isang pack ng Nerds gummies na mayroong isang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mayorya ng mga mananampalatayang Katoliko ang tumutupad sa kanilang holy week obligations

 18,299 total views

 18,299 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) mula ika-22 ng Pebrero 2023 hanggang a-1 ng Abril 2023 sa may 1,200 respondents nationwide na mayroong +/-3 margin of error. Base sa Veritas Truth Survey (VTS), 58-porsiyento ng 1,200 respondents ang nagsabing hindi sila nahihirapang tumutupad sa kanilang holy week obligations. Ayon sa

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, magtatayo ng Advocacy ministry sa lahat ng parokya

 7,066 total views

 7,066 total views Magtatatag ang NASSA/Caritas Philippines ng tatlong (3) advocacy ministry na tutugon sa pangangailangan ng mahihirap at vulnerable na sektor ng pamayananan sa Pilipinas. Sa katatapos na 5-araw na 40th National Social Action General Assembly o NASAGA na isinagawa sa General Santos City ay kinilala ng 204 na social action workers na kinabibilangan ng

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

NTC, ITINANGHAL NA 2021 FOI CHAMPION

 4,174 total views

 4,174 total views Sa katatapos na 2021 Freedom of Information (FOI) Awards ceremony, iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO) sa National Telecommunications Commission (NTC) ang FOI Champion Award sa Agencies, Bureaus, Councils and Commissions sa National Government Agency (NGA) category. Dinaig ng NTC ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mass for Frontliners, pangungunahan ni Cardinal Advincula

 4,091 total views

 4,091 total views Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang “mass for frontliners”. Ang “mass for frontliners” ay alay ng Simbahang Katolika sa mga healthcare worker o medical frontliners na itinuturing na national heroes o pambansang bayani sa gitna ng nararanasang COVID 19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

“1GODLY Vote”, ilulunsad ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication

 4,022 total views

 4,022 total views Ang Diyos ay bahagi ng ating buhay. Marapat lamang na dalhin ang Diyos sa lahat ng larangan at bawat gawain ng tao. Ito ang misyon ng itinatag na programa ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications na “1GODLY VOTE” na

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Hindi maayos na sound system, pangunahing problema sa banal na misa

 4,050 total views

 4,050 total views Ito ang lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) noong ika-31 ng Marso hanggang ika-30 ng Abril 2021. Base sa V-T-S, nais din ng 24-percent ng 1,200 respondents nationwide na maging maayos ang mga “Choir” at magandang song selection sa mga isinagawang banal na misa. Nais naman ng 20-percent ng respondents ng magandang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Bloody Sunday assualt, kinondena ng Caritas Philippines

 4,031 total views

 4,031 total views Kinondena ng Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace/ Caritas Philippines ang “Bloody Sunday” assualt ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa mga civil rights sa apat na karatig lalawigan ng Metro Manila noong ika-7 ng Marso, 2021. Statement:

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

UST Public Affairs director, namatay sa heart attack

 4,050 total views

 4,050 total views Pumanaw na ang itinuturing na “best Ambassador” ng University of Sto.Tomas sa edad na 62-taong gulang. Sa isang Facebook post, inihayag ng U-S-T na si Associate Profesor Giovanna Villarama-Fontanilla ay naging mukha at boses ng unibersidad sa general public. Inihayag ng U-S-T na si Prof. Fontanilla, director ng Public Affairs Office ng UST

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Digital technology,lifeline ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting balita

 3,970 total views

 3,970 total views Itinuturing ng isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na naging platform ng Simbahang Katolika ang “digital technology” sa pagpapalaganap ng mabuting balita (Good news) sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic. Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng C-B-C-P na sa kasalukuyan ay nata-transform ang digital

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Mananampalataya, inaanyayahan sa online advent recollection

 3,992 total views

 3,992 total views Magsasagawa ang Diocese of Cubao ng Online Advent Recollection sa pangunguna ng Lay Formation Ministry at Social Communications Ministry ngayong ika-5 ng Disyembre alas otso ng umaga. Tema sa isasagawang recollection ang “Santatlo ng Cubao: Nagsusulong sa Pakikipag-isa, Misyon at Pagbabalik-loob tungo sa ika-500 taon ng Kristiyamismo sa Pilipinas.” Layunin nitong ihanda ang

Read More »
Cultural
Arnel Pelaco

Caritas Philippines, umaapela sa mamamayan na makiisa sa Alay Kapwa Sunday special collection

 4,895 total views

 4,895 total views Kabayan mahal natin, tulong tayo! Umaapela ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa sambayanang Filipino na makiisa sa nararanasang pagdurusa at tulungan ang mga sinalanta ng magkasunod na bagyo sa bansa. Sa ipinadalang apela ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa Radio Veritas, ipinaalala nito na higit na kailangan ang sama-samang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top