169 total views
Sa kabila ng banta ng nuclear war, pinaalalahanan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) Chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat na patuloy na hingin ang patnubay ng Panginoon.
Naniniwala si Bishop Santos na kung sama-samang dudulog ang bawat isa sa Diyos ay magagapi ng panalangin ang anumang mapanganib na armas o sandata at mapanunumbalik ang pagkakaisa ng mundo.
“Let us beg God to unite our world leaders to denounce nuclear armament and work for global peace. We ask our OFWs to pray harder, to continue their works and always abide to the laws and pronouncements of their host countries,” pahayag ni Bishop Santos.
Nanatid na muling nagpakawala ng missile ang North Korea alas-6 kaninang umaga na dumaan sa himpapawid ng Hokkaido, Japan at bumagsak sa Karagatang Pasipiko may 1,180 kilometro mula sa Japanese Coast.
Bagamat nangangamba ay patuloy na hinihikayat ng Obispo ang mga mananampalataya na isamo kay Kristo ang pagbabalik-loob ng mga lider ng malalaking bansa at isantabi ang karahasan na maaaring kumitil ng libu-libong inosenteng buhay.
“That is very threatening and provocative gesture that will lead just to catastrophe and destruction. No one wins in war. It will always bring death. At this moment we have to turn God, pray constantly, for change of mentality, conversion of hearts of government leaders in North Korea set aside path and ideology of war and violence,” panawagan ng Obispo.
Sa tala, mahigit 270-libo ang mga Filipino na naninirahan sa Japan na itinuturing din bilang ikatlo sa pinakamaraming foreign nationals sa nasabing bansa.
Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na malaking bahagi ng sangkatauhan ang masisira kung patuloy na paiiralin ang dahas sa halip na mahinahong pakikipagdayalogo.