Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nagaganap na climate crisis, ikinabahala ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 270 total views

Ikinababahala ng isang lider ng Simbahang Katolika ang mga matitinding kalamidad na nararanasan ngayon sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ayon kay Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng NASSA/Caritas Philippines, ang malawakang pagbaha na naranasan ngayon sa Houston at kamakailan sa Hong Kong ay isang patunay ng pagdating ng mga mapaminsalang kalamidad na bunga ng pagkasira ng kalikasan.

Iginiit ni Father Gariguez na hindi dapat ipagwalang bahala ang kasalukuyang sitwasyon ng kalikasan at epekto ng nagbabagong klima dahil nakikita natin ang matinding pinsalang dala ng kalamidad nito.

Inihalimbawa ng Pari ang dokumentaryo ni dating US Vice President Al Gore kung saan napatunayan na ang mga kalamidad ay dulot ng pagkasira ng kalikasan.

“Kahapon kasama kami sa paglunsad ng movie ni Al Gore na inconvenient sequel. Bahagi ng documentary film ang pagpapatunay na ang mga nangyayaring extreme weather events ay bunga ng climate crisis. Totoo ito sa mga nangyayaring kalamidad ngayon. Ang nangyari sa Houston at Hong Kong ay bunga ng pagkasira ng kalikasan at klima” mensahe ni Fr. Gariguez sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, nanawagan ang Pari sa mga Pilipino na sama-samang tumugon sa panawagan ni Pope Francis na gunitain at ipinalangin ang ating kalikasan kasabay ng isasagawang Walk for Creation sa ika-1 ng Setyembre sa Luneta na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

“Kasama ni Pope Francis tayo na nababagabag at nananawagan upang sagipin ang buhay, ito rin ang panawagan sa ‘Walk for Creation’ na gagawin sa Luneta ngayong September 1, 4am at iniimbitahan po namin kayo” ani 2012 Goldman Environmental Prize awardee.

Magugunitang una ng nanawagan ng pakikiisa ang kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa isasagawang Walk for Creation.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paasa At Palaasa

 5,195 total views

 5,195 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »

New year’s resolution para sa bayan

 25,161 total views

 25,161 total views Happy new year, mga Kapanalig! May mga new year’s resolutions ba kayo? Anumang pagbabago ang nais ninyong simulan, sana ay matupad ninyo ang mga ito. Ano naman ang new year’s resolution mo para sa ating bayan ngayong 2025? Nakakapagod ang nagdaang taon, hindi ba? Naging maingay ang mga namumuno sa ating gobyerno. Nagbatuhan

Read More »

May mangyari kaya?

 44,880 total views

 44,880 total views Mga Kapanalig, kung sinubaybayan ninyo ang labintatlong pagdinig na ginawa ng tinatawag na quad committee (o QuadComm) ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan tungkol sa mga extrajudicial killings (o EJK) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte, nanlumo siguro kayo sa dami at bigat ng mga inakusa sa mga sangkot. Humantong ito

Read More »

Kilalanin ang mga haligi ng bayan

 44,857 total views

 44,857 total views Mga Kapanalig, ngayon ay Rizal Day, ang araw kung kailan inialay ng ating pambansang bayani ang kanyang buhay para sa bayan. Sa araw na ito noong 1896, pinatay sa pamamagitan ng firing squad si Gat Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayon bilang Rizal Park. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng pamahalaang

Read More »

Nabibili Ba Tayo?

 55,197 total views

 55,197 total views Kapanalig, bago pa sumapit ang kapaskuhan o advent season ay nagpaparamdam na ang mga kandidato para sa 2025 midterm elections. Maingay na sa social media, laganap na ang adbocacy ads sa mga telebisyon at radio maging sa print media lalu na ang mga nakasabit na tarpaulin. Pinaghahandaan na natin ang midterm election sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 7,568 total views

 7,568 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer Report ng Diocesan Social Action Center- Ilagan, umabot sa 2,155 Pamilya mula sa 5 Bikaryato ng Diyosesis ang nagsilikas dahil sa pagbaha dulot ng bagyo. Summary of evacuees from the

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagbigay ng cash aid sa mga nasalanta ng baha

 44,400 total views

 44,400 total views Nagpadala na ng P200 libong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental. Labis ang naging pasasalamat ni Rev. Fr. Marvin Osmeña, ang Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis sa Caritas Manila sa paunang tulong nito para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

 44,128 total views

 44,128 total views Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng. katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra

 44,046 total views

 44,046 total views Kumikilos na ang iba’t-ibang Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi. Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

P4.7M, naibahaging tulong ng Caritas Manila sa mga napinsala ng lindol sa Northern Luzon

 43,765 total views

 43,765 total views Mahigit P4.7-milyong piso na tulong ang ibinahagi ng Caritas Manila sa 2 Diyosesis na napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon. Ito ay matapos muling magpadala ng P2.5 milyong piso na tulong pinansiyal ang social arm ng Archdiocese of Manila para sa Diocese of Bangued sa Abra at Archdiocese of Nueva

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Mamamayan ng Abra, natatakot sa nararanasang aftershocks

 13,986 total views

 13,986 total views Hindi pa rin napapawi ang pangamba ng maraming residente sa lalawigan ng Abra dahil sa patuloy na nararanasan na mga aftershocks matapos ang naganap na magnitude 7 na paglindol noong nakaraang araw ng Miyerkules. Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa isa sa mga kinatawan ng Social Action Center ng Diocese of Bangued (Abra),

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Simbahan sa Northern Luzon, umaapela ng tulong

 13,928 total views

 13,928 total views Umapela ng tulong at panalangin ang Archdiocese of Nueva Segovia sa lalawigan ng Ilocos Sur matapos ang pinsalang iniwan ng magnitude 7.3 na paglindol sa malaking bahagi ng Luzon. Ayon kay Rev. Fr. Danilo Martinez, ang Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia, malaking pinsala ang dinulot ng lindol sa kanilang lalawigan

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 13,956 total views

 13,956 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring ng Caritas Sorsogon, tinatayang nasa 45 pamilya o mahigit sa 150 indibidwal ang lumikas sa evacuation center sa bayan ng Juban matapos maapektuhan ng phreatic explosion ng bulkang Bulusan kahapon

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

LASAC, nakatutok sa mga bayan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal

 13,835 total views

 13,835 total views Ilang bayan sa lalawigan ng Batanags ang binabantayan ngayon ng Archdiocese of Lipa matapos magsilikas ang mga residente dahil sa banta ng pagliligalig ng bulkang Taal. Ayon kay Paolo Ferrer, communication officer ng Lipa Archdiocesan Social Action Center o LASAC, nakatuon ang kanilang atensyon sa mga Parokya at bayan sa Agoncillo at Laurel

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Coca Cola Foundation, kinilala ang kakayanan ng Simbahan sa pagtulong sa mga nangangailangan

 13,662 total views

 13,662 total views Nagpapasalamat ang Coca Cola Foundation na maging katuwang ang Simbahan Katolika sa layuning makatulong sa mga naapektuhan ng kalamidad. Ito ang inihayag ng pribadong grupo matapos na makipag-tulungan sa Caritas Philippines at Diocese of Kabankalan sa pamamahagi ng mga shelter repair materials sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa Negros Occidental. Ayon kay

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Good Samaritans, hinihimok na makiisa sa PADAYON online concert

 13,941 total views

 13,941 total views Lubos na nagpapasalamat ang Diocese of Surigao sa suporta ng mga kapanalig para sa nalalapit na online concert ng Caritas Manila at Viva Live Inc. para mga nasirang simbahang ng bagyong Odette. Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis ng Surigao, kasama sa kanilang mga pagdarasal ang tagumpay ng

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Pagpapatayo ng bahay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, prayoridad ng Diocese of Surigao

 13,785 total views

 13,785 total views Tuloy-tuloy ang pagsisikap ng Diocese of Surigao na makatulong sa rehabilitasyon ng mga tahanan na nasira ng bagyong Odette sa lalawigan ng Surigao. Ito ang pagtitiyak ni Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng nasabing dioceses mahigit tatlong buwan mula nang manalasa ang bagyo sa lalawigan. Ayon kay Fr. Ilogon, marami na

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagpadala ng tulong pinansiyal sa Caritas Ukraine

 13,694 total views

 13,694 total views Nagpadala ng isang milyong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Caritas Ukraine. Ito ay bilang pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Una nang nakipag-ugnayan si Caritas Manila Executive Director at Radio

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Libu-libong residente ng Surigao na apektado ng bagyong Odette, hindi pa rin nakakabangon

 13,723 total views

 13,723 total views Apektado pa rin ang pamumuhay ng maraming residente sa Diocese of Surigao tatlong buwan matapos ang pananalasa ng bagyong Odette. Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis, hanggang sa ngayon ay sinisikap pa ring bumangon ng mga residente mula sa malaking pinsala na iniwan ng bagyo. Aminado si Fr.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top