735 total views
HOMILY
MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE
AUGUST 30,2017
My dear brother and sisters in Christ, we are gathered this afternoon in the name of the Lord Jesus Christ and we give to God praise and thanksgiving. We thank God for bringing us together as one family of faith, we thank God for this beautiful chapel, we thank Father Joel, the Vincentian Community, the Parish for this renovation and the new retablo.
Marami po tayong pwedeng pagnilayan tungkol sa kahulugan ng ating ginagawang seremonya. Ibig ko lang pong magbigay pansin sa isang bagay, walang iba kundi ang pagsamba.
Sabi po sa unang pagbasa, “All the nations will come and worship before you, for Your righteous acts had been revealed.”
Kapag tayo po ay pumupunta sa isang chapel, sa isang simbahan, hindi naman tayo namamasyal, ‘di naman tayo nag- uusyoso lang kaya tayo pumupunta sa simbahan, tahanan ng Diyos, tahanan natin ay upang sumamba. At kasama po ng pagsamba natin sa Diyos, Siya naman ay nangunguna, siya po ang nagbibigay sa atin ng biyaya na lumapit, magtipon. Siya rin po ang nagpapabanal sa atin, exchange ‘yan, binibigyan tayo ng biyaya, sumasamba tayo at tayo ay pinapabanal. Ang sumasamba sa Diyos, nagiging banal katulad ng Diyos.
Mahalaga pong tanungin ‘yun, marunong ba tayong sumamba? At ano nga ba o sino ang ating sinasamba? May kanta noon “Sinasamba kita…” pero parang hindi sa Diyos yun kinakanta, kinakanta yata sa isang nililigawan. Ganun na ba ngayon ang pagsamba? Kapag ba ang binata ay nanliligaw, ‘yun ang kanyang pamamaraan para makakuha ng sagot? “Ikaw ang aking sinasamba.”
Sa Ebanghelyo, nandiyan si Zaccheo, isang tax collector at nang panahon ni Hesus, siya at ang iba pang tax collectors ay tinuturing na makasalanan. Hindi lamang nagkakasala sa Diyos, kundi nagta- traydor sa bayan dahil nangongolekta sila ng buwis mula sa mga Israelita para ibigay sa mga Romano.
Kaya ang tingin sa mga tax collectors ay mga taksil sa bayan. Inyong ginagatasan ang inyong bayan para payamanin ang occupying forces, the Romans. Pero kasama din ‘dun ang fringe benefits, po-protektahan naman sila ng mga Romano kaya nagkakasala rin sila.
Si Zaccheo ay larawan nating lahat. Ang tukso na sambahin ang pera, sambahin ang aking makukuha at para sa Diyos na pera at posisyon. Meron kang iaalay kasama yan sa pagsamba. Meron kang inihahandog sa Diyos na iyong sinasamba, mabuti na lamang kung panalangin lagi ang inaalay bilang pagsamba. Sa karanasan nila Zaccheo pati ang kapwa tao sinasakripisyo, pati ang integridad isasakripisyo para lamang masamba ang dino- diyos na pera at posisyon.
Tayo, sino ba at ano ba ang ating pinag- aalayan ng pagsamaba, pinag- aalayan ng ating buhay at pinag- aalayan ng ating pagsunod o pagtalima? Salamat na lamang kay Hesus na pumasok sa bahay ni Zaccheo at pumasok din sa buhay at puso ni Zaccheo. Nagbago siya. Sabi niya, kung meron man akong nadaya babayaran ko ng maki- apat na ulit at kalahati ng aking ari- arian ibibigay ko sa mga mahihirap. Nagsisimula na siya ng tunay na pagsamaba. Ang pera na dati niyang sinasamba, ngayon kaya na niyang bitawan. Sa halip na huwad na pagsamba sa huwad na diyos ang pumalit katarungan, pagiging matuwid at pagiging mapagmahal.
Ang tunay na pagsamba sa Diyos ay napaaabot sa kanya ng puso na kayang bumitaw sa mga diyus- diyosan na dating kinakapitan, niluluhuran, sinusunod at sa halip papalit ang diwa ng katarungan at pagmamahal. At ang idols, ang huwad na diyos nabibitawan na, makalalapit na sa tunay na Diyos.
Kaya po tayo pumupunta sa isang kapilya, templo para tayong umuuwi, coming home to the Father’s house at sana sa pakikipag- ugnayan natin sa Ama sa ngalan ni Hesus at ng Espiritu- Santo, tayo ay ma- magnetize na ang Diyos lamang ang sambahin. At kahit wala tayo sa loob ng simbahang bato, pinapaala- ala sa atin ni San Pablo sa ikalawang pagbasa na tayo ang sambayanan, tayo ang buhay na templo. Kahit nasaan tayo, sana tuloy ang pagsamba sa tunay na Diyos hindi yung sasamba lamang sa tunay na Diyos kapag nasa loob ng kapilya o nasa loob ng simbahan pero kapag labas na wala naman na ako sa templo wala na ako sa simbahan di puwede na akong sumamba sa ibang Diyos. Hindi.
Ang paala- ala ni San Pablo, tayo ang buhay na templo, tayo ang katawan ni Kristo. Sabi pa nga ni Kristo, “Kung saan mayroong dalawa o tatlo na nananalangin, nandun Ako.” Kaya sana sa ating buhay na sambayanan, kahit nasaan tayo, nasa kalye, nasa bahay, nasa opisina, nasa trabaho, may mga estudyante nasa paaralan doon ituloy ang pagsamba sa Diyos. Doon sa pamamagitan ng ating pagkapit kay Hesus, maibibigay natin ang nararapat na pagsamba sa Diyos.
Sino ang modelo ng tunay na pagsamba? Si Hesus. Hindi lamang salita, buong buhay niya bilang pagtalima sa Diyos inialay “Ito ang aking katawan, ito ang aking dugo.” Kaya sinasabi din ni San Pablo “Offer your bodies as a living sacrifice, your spiritual worship pleasing to God.” Kung papaanong si Hesus inialay ang kanyang buhay bilang pagsamba niya sa Diyos, tayo rin iaalay ang ating sarili.
Minsan po kapag offertory, yung sa misa. Nakikita ko daming inaalay. Nung bata- bata akong pari mga inaalay biskwit, sa Cavite yoon may talong, may sayote, kape. May nag- alay pa nga ‘nun isang kahon, di kinuha ko naman, aba habang tumutuloy ang misa yung kahon ay gumagalaw, gumagalaw, gumagalaw. Sabi ko doon sa sakristan, paki-check mo nga ano ba yung inialay na ‘yun. Lumapit yung sakristan, manok po, may kasama pang luya, di ano tinola.
Iniaalay ano, ngayon marami pang alay, mas mahaba pa nga kaysa sa komonyon minsan ang offertory, ano na, Goldilocks, Ano na ba mga ano yung Red ribbon? Yung iba sobre pero napapaisip ako minsan, ang sarili kaya iniaalay? Bilang karapat- dapat at kaaya- ayang handog pagsamba sa Diyos? Wala man akong maialay na sobre, wala man akong maialay na Red ribbon, tulad ni Hesus sambahin ang Diyos Ama sa pag- aalay ng isang matuwid na buhay nasa loob man ng templo o hindi, ikaw ang buhay na handog, ikaw ang nararapat na handog na magbibigay parangal sa Diyos Ama.
Sabi po nila, noon pang panahon ng PCP II minsan daw kapansin- pansin sa ating mga Pilipino ang pagkakahati ng buhay pagsamba sa loob ng simbahan at ordinaryong buhay. Sa loob ng simbahan, magagalang ano ho. Mayroon pa nga bawat banggit sa pangalan ni Hesus “Jesus Christ” tumutungo pa sa kanta, magalang marunong sumamba sa loob ng simbahan ano ho.
Pero paglabas daw ng simbahan, sa ordinaryong buhay parang nakawala na tayo hindi na ako nakikita ni Hesus. May nagbiro nga, kaya daw natin tinatago sa tabernacle yung sacred cross at pagkasara para raw nating sinasabi “Oh dyan ka na, huwag kang lalabas diyan ha, huwag mo na kaming susundan diyan ka lang. Pagkatapos ng simba namin bahala na ako sa buhay ko basta naka- lock ka na diyan.”
Hindi, tayo ang buhay na templo at sa atin sana makita ang tunay na pagsamba sa Diyos.
Sa panahon natin ngayon, napakaraming Diyos ang sinasamba at mas huwad ang Diyos na sinasamba nagugulo ang ating isip, konsensya, samahan, pamilya, neighborhood, at bansa pati ang buong mundo.
Ayaw man nating aminin, basta mayroong sigalot, ang isang usapin diyan ay sino ba ang Diyos na sinasamba? Pera ba? Kapangyarihan ba? Yabang ba? Posisyon ba? ‘Yan ba ang Diyos na pinag- aalayan ko ng buhay?
Magnilay-nilay po tayo kasi kapag hindi na ang tunay na Diyos ang sinasamba, darating ang panahon pati tayo magpapanggap na na Diyos. At aasahan natin ang iba, sumunod sa akin, igalang ako kahit ako ay nabubusabos na kasi ako na ang diyos.
Huwag sana mangyari ‘yun at ang pagbabasbas po natin ng ating renovated chapel sana ay maging paala- ala sa Diyos lamang ang tunay na pagsamba. At kahit na nasaan tayo, tayo ang buhay na templo tuloy ang ating pagsamba sa tunay na Diyos. Tayo po’y tumahimik sandali at ibukas ang ating puso sa Espiritu- Santo upang sa kanyang patnubay at biyaya maihandog natin sa Diyos Ama ang nararapat na handog at pagsamba.