Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Matututulan kaya ng mga pulis ang mali?

SHARE THE TRUTH

 313 total views

Mga Kapanalig, may mga nagsasabing state-sanctioned o may pahintulot ng Estado ang mga pagpatay bunsod ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte. Bagamat walang batas ukol rito, mistulang naging patakaran na ng kasalukuyang pamahalaan ang pagpaslang sa mga tao kahit walang matibay na patunay na sangkot ang mga ito sa droga. (Pero tandaan natin, mga Kapanalig, may kasalanan man o wala, mali ang patayin ang isang tao.)

Nawa’y hindi pa rin natin nalilimutan ang sinapit ng 17 taóng gulang na si Kian delos Santos na sinasabing pinatay ng mga pulis matapos umanong manlaban. Ang kaso naman ng pagpatay sa 19 na taóng gulang na si Carl Arnaiz, bagamat walang kinalaman sa pagkakasangkot sa droga, ay patunay din daw ng pag-abuso ng mga pulis. Para kay Senadora Risa Hontiveros, dalawa lamang sina Kian at Carl sa libu-libong kaso ng mga namatay sa kamay ng mga pulis, ng mga taong may tungkuling pairalin ang batas at pangalagaan tayo mula sa anumang kapahamakan. Ang problema pa, walang malinaw na hakbang ang pamahalaan upang lutasin ang mga kasong ito at upang mapanagot sa batas ang mga nagkasalang pulis. Hindi naman daw aksidente lamang ang lahat ng kaso ng pagpatay kaya’t malinaw na may pinanghahawakang patakaran, lantaran man o hindi, ang mga pulis.

Hindi na natin mabilang ang mga pagkakataong nagbitiw ng salita ang pangulo tungkol sa pagpatay sa mga kriminal, kabilang ang mga gumagamit at nagtutulak ng droga. Noong naganap nga ang “one time, big time operation” ng mga pulis sa Bulacan, na ikinamatay ng 32 tao, hindi ba’t pinuri pa niya ang mga pulis? Inudyukan pa niya sila na ipagpatuloy ang pagpatay, barilin ang mga suspek kapag nanlaban, at kung hindi naman ay gawan nila ng paraan upang manlaban ang mga ito. Sa kabila ng ganitong mga pahayag, itinatanggi ng administrasyon na state-sanctioned ang mga pagpatay na gawa ng mga pulis.

Sa kabilang banda, hindi nga kayâ kaya ng ating kapulisan na tutulan ang mga patakarang sa tingin nila ay hindi lamang labag sa batas kundi labag sa kanilang konsensya?

Para sa ating Simbahan, may dalawang karapatan—na maituturing ding mga tungkulin—na dapat gamitin ang mga tao kapag nahaharap sa mga pagkakataong nagtatalo ang hinihingi ng mga kinauukulan o awtoridad at ang inuudyok ng ating budhi o konsensya. Una ay ang right to conscientious objection o karapatan sa matapat na pagtutol. Karapatan ng sinuman, maging ng mga pulis, na hindi sundin ang mga atas na salungat sa mga hinihingi ng morál na pagkakaayos ng ating lipunan, sa mga saligang karapatang pantao, o, para sa mga Katoliko, sa mga turo ng Ebanghelyo. Ikalawa ay ang ating right to resist authority o karapatang salungatin ang kinauukulan lalo kung malubha na at paulit-ulit ang paglabag nito sa mga mahahalagang prinsipyo ng natural law o mga batayang prinsipyo ng pagpapakatao.

Magagawa nating salungatin at tutulan ang mga nagpapairal ng mga patakarang salungat sa ating konsensya at mga moral na batayan, hindi sa pamamagitan ng armadong paglaban, kundi sa mga paraang kumikilala pa rin sa tamang proseso ng batas, sa mapayapang pagsusulong ng mga alternatibo, at pagtataguyod ng kapakanan ng lahat. Ang mga pulis, halimbawa, ay maaaring ipakita ang kanilang pagtutol sa madugong giyera kontra droga sa pamamagitan ng pagsusulong ng community-based rehabilitation programs para sa mga madarakip nila. Epektibong pagtutol din kung tutukan nila ang maagap na paghuli sa mga gumagawa ng krimen. Mahalaga rin ang pagkuha ng tiwala ng mga mamamayan hindi sa pamamagitan ng puwersa kundi ng pakikipagkapwa.

Ngunit sa kasalukuyang itinatakbo ng giyera kontra droga, mukhang maliit ang puwang para sumalungat o tumutol ang ating mga pulis. Marahil, nakaugat pa rin ito sa kung paano itinuturing ng mga kawani sa ibaba ang mga taong nakatataas sa kanila. Gayunman, naniniwala pa rin tayong may mga pulis na matuwid, mahusay, at nakikinig sa kanilang konsensya.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,718 total views

 4,718 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,833 total views

 14,833 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,410 total views

 24,410 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,399 total views

 44,399 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 35,503 total views

 35,503 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,719 total views

 4,719 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,834 total views

 14,834 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 24,411 total views

 24,411 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,400 total views

 44,400 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 35,504 total views

 35,504 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,002 total views

 40,002 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,571 total views

 43,571 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,027 total views

 56,027 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,094 total views

 67,094 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,413 total views

 73,413 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,025 total views

 78,025 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,586 total views

 79,586 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,147 total views

 45,147 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,808 total views

 67,808 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,384 total views

 73,384 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top