177 total views
Ito ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa mga foreign students na nag-aaral sa Pilipinas kaugnay sa pakikiisa ng simbahan sa bansa sa paglulunsad ng “Share the Journey” campaign ni Pope Francis sa Vatican, September 27, 2017.
Ayon kay Bishop Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catholic Education, nawa ay magsilbing ikalawang tahanan ng mga foreign students ang bansa at maranasan ang mainit na pagtanggap ng mga Filipino.
“I pray that you will experience home in the foreign land here in the Philippines. The challenge really for the catholic church especially the Catholic School is really make the foreign students welcome, making them feel at home and experience the love that they should experienced especially in a Christian country like the Philippnes,’’ ayon pa kay Bishop Mallari.
Ayon sa Bureau of Immigration statistics noong 2012, may 61,000 ang mga international students sa Pilipinas na ang karamihan ay mula sa Iran, South Korea, China at iba pang ASEAN countries.
Layunin ng Share the Journey Campaign ng Santo Papa Francisco at Caritas Internationalis na maibahagi ang kultura ng pakikinig sa mga migrante at refugees upang mapawi ang kanilang pangamba sa pananahan sa ibang bayan kaiba sa kanilang nakagisnan.
Hinikayat din ni Bishop Mallari ang mga institusyon ng edukasyon na bigyang tuon ang pakikisalamuha sa mga dayuhang mag-aaral at ipakita ang magandang kultura ng bansa na maaring magpabago sa kanilang pagtingin at gawi sa ating mga Pilipino bilang isang Kristiyanong bansa.
Dagdag pa ni Bishop Mallari, bawat isa sa atin ay nakaranas ng pagiging dayuhan sa ibang lugar kaya’t dapat ipadama sa bawat migrante sa bansa ang nais nating maranasan kung tayo man ang dayuhan sa ibang lugar.
“We desire the best for them in the foreign land. I hope our foreign students will experience what it means to encounter a different culture in the Philippines and how culture can enriched once life and once personality and ca bring about change also in our perspective the way we see things and the way we do things,” ayon pa sa Obispo.