202 total views
Nakikiisa rin si San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa panawagang buksan ang simbahan bilang santuwaryo at maging sulingan ng mga taong nais maghayag ng katotohanan.
Ayon kay Bishop Mallari, handa ang kanilang simbahan sa panawagan ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas upang bigyan ng kalinga ang mga nais na humingi ng tulong simbahan.
“I’m really one with him and we are opening our doors as sanctuary para sa mga gustong tumayo sa katotohanan,” ayon kay Bishop Mallari.
Sa October 13- kapistahan ng Our Lady of Fatima, ilulunsad na rin ng diocese ang House of Prayer and Evangelization o HOPE Center sa Nampicuan, Nueva Ecija.
Ayon sa Obispo, ito ay isang community based drug rehabilitaion center na bukas para sa buong diyosesis na para sa 25 pasyente kada anim na buwang programa.
Ang diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija ay binubuo ng 21 parokya na pinangangasiwaan ng 32 mga pari.
Bilang tugon sa problema ng bansa sa illegal drugs, ilang ng simbahan ang nagbukas ng mga community based rehabilitation kabilang na dito ang HOPE center ng Diocese ng San Jose, NE; Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay at Kaunting Pahinga ng Archdiocese of Manila, Salubong Kaloocan ng Diocese ng Caloocan; Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ng Diocese ng Novaliches at ang Pastoral Approach to Rehabilitation and Reformation ng Diocese ng Cubao.
Bago pa man ang kampanya ng administrasyon laban sa droga, higit sa 30 taon na rin ang programa ng Diocese ng Malolos sa mga lulong sa bisyo ang Galilee Homes na matatagpuan sa Dona Remedios Trinidad sa Angat, Bulacan at ang Fazenda sa Masbate.