441 total views
Ito ang hamon ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Bishop Santos, chairman ng CBCP- Episcopal Commision on Migrants and Itinerant People, ang mandato ng PNP na dapat magbibigay ng kapanatagan ng loob at kaligtasan ay napalitan na ngayon ng takot at karahasan.
Sa pastoral reflection na inilabas ng Diocese of Balanga, binigyang-diin ng Obispo ang katagang ‘to protect’ kung saan ang pangangalaga sa mga mamamayan ay hindi dapat nababatay sa kulay o katayuan nito sa buhay at pulitika.
“Your mandate to protect goes beyond political party affiliations, not your very own self. It is the people, especially those whom the society considers least and lost, unknown and under privileged. To protect is maintain peace and order. To protect is preserve life and to preserve human rights. In simple term to protect is to live and to let live,” pahayag ni Bishop Santos.
Kasunod nito ay pinaalalahanan ng Obispo ang PNP na kumilos para sa kapakanan ng lahat ng nangangailangan dahil hindi maituturing na isang tapat na paglilingkod kung nababahiran ng sariling interes at kasakiman.
“The mandate to serve is graciously and generously given. When there is any motive of personal interest or career advancement it is no longer service. If it is for any monetary benefits, your duty to serve is tainted and compromised. Let us remember then that to serve is not and should never be for sale,” dagdag pa ng Obispo.
Sa ulat ng PNP, bagamat bumaba ng 9.8 porsiyento o 61,409 ang insidente ng krimen sa bansa sa unang taong panunugkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tumaas naman ng 22.75-porsiyento ang mga nagaganap na patayan sa kampanya kontra iligal na droga.
Samantala sa datos ng mga human right advocates, humigit kumulang 13-libo na ang mga nasawi sa war on drugs campaign ng pamahalaan kabilang na ang mga pinaniniwalaang napaslang ng mga vigilante.
Kasama ng simbahang katolika, umaasa si Bishop Santos na muling mamamayani ang katarungan sa bansa at maranasan ng bawat indibidwal ang seguridad at kaligtasan na pangako ng kapulisan.