28,647 total views
Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan.
Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge Banal Sr., napapanahon na upang magkaroon ng bukod na komisyon na pangunahing mangangalaga sa karapatan at benepisyo ng mga senior citizen sa bansa.
“Kailangang kailangan iyan sapagkat mayroon tayong council for the welfare of children, mayroon tayo for women pero ang nakakatatanda ay kailangang tulungan dahil ilang taon na lang ang aming buhay sa mundong ito,” pahayag ni Banal.
Sa panahong laganap ang karahasan sa lipunan, umaasa si Banal na mabibigyang-pansin ang panawagan upang masulit ang mga panahong kanilang ilalagi sa mundo sa pamamagitan ng pagtulong at pabibigay ng inspirasyon sa kapwa Filipino.
“Sana makapag-iwan kami ng mga magagandang halimbawa sa ating mga kabataan lalo na ngayon we were experiencing challenging and critical times. May mga extra judicial killings, graft and corruption over politics ay kailangan yung gabay ng nakatatanda,” dagdag pa nito.
Sa pangunguna ni Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino at Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe bilang principal sponsors, isinusulong na ngayon sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas kaugnay sa pagtatatag ng senior citizens commission.
Kapag naisakatuparan, si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang magtatagala ng mga opisyal na mamumuno sa konseho na mga pawang nakatatanda at may karanasan sa pagsusulong ng programa at benepisyo para sa mga senior citizen.
Sa tala ng National Census noong 2010, tinatayang 6.8 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng elderly sector.
Una nang ipinaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga mananamapalataya na kilalain at sariwain ang karunungang naimbag ng mga nakakatanda sa buhay ng maraming tao.