235 total views
Nagpahayag ng kanyang pakikiramay si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagpanaw ni Father Romeo Intengan, SJ.
Sa ipinadalang mensahe ni Cardinal Tagle, nagpapasalamat siya sa pagiging bahagi ni Father Intengan ng simbahan at sa bayan.
Naniniwala ang Kardinal na sa kabila ng kamatayan ay patuloy pa rin si Father Intengan sa pagsisilbi.
“The Archdiocese of Manila thanks God and the Society of Jesus for the gift of Fr. Archie Intengan, SJ to the Church and to the nation. Generations of bishops, priests, religious, pastoral workers and peace-loving Filipinos have been inspired by his wisdom and passionate love of Jesus, the Church and of country. We will miss him. But i believe that in his death, he continues to serve,” ayon sa mensahe ni Cardinal Tagle.
Nakatakda sanang ipagdiwang ni Father Intengan ay kaniyang ika-75 kaarawan sa Oct. 18.
Siya ay nasawi dahil sa cardiac arrest habang isinusugod sa pagamutan.
Si Fr. Intengan ay inordinahan bilang pari noong March 1997, at isa ring medical doctor na nagtapos sa University of the Philippines College of Medicine noong 1965.
Nagsilbi rin siyang pinuno Philippine Jesuits mula 1998-2004.
Kilala rin ang pari sa pagtutol nito sa dikdadurya ng rehimeng Marcos at kabilang sa nagtatag ng Philippine Democratic Socialist Party taong 1973 at nakulong noong 1978.
Ihihimlay ang pari sa Sabado, ika-14 ng Oktubre sa Sacred Heart Novitiate Jesuit Cemetery sa Novaliches, Quezon City.