210 total views
Kaugnay sa pagdiriwang ng simbahan sa buwan ng Oktubre bilang Rosary Month, naglunsad ng kampanya ang Aid to the Church in Need International ang “One Million Children Praying the Rosary”.
Ang programa ay bilang paggunita na rin sa ika-100 taon ng aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima sa Portugal
Ayon kay Cardinal Mauro Piacenza-pangulo ng pontifical foundation ACN ang paanyaya ay para sa lahat ng mga mananampalaya na ang pangunahing intensyon ay ipagdasal ang mga kabataan sa Syria –na pangunahing biktima ng karahasan dulot ng digmaan doon.
Naniniwala rin si Cardinal Piacenza na mahalagang iugnay ang mga kabataan sa peace campaign sa pamamagitan ng pagdarasal.
“In 2017 especially, the 100th anniversary of the appearances of the Queen of the Holy Rosary at Fatima, the best thing we ACN do for peace in this world is to take the message from heaven seriously. Is it not significant that God chose children in Fatima to be the recipients of the most momentous peace plan for the new age? The children understood the language of Our Lady and, most importantly, believed her words. Shouldn’t we be doing so much more to teach children and support them in playing a part in this peace plan, a plan that is more topical than ever today?” ang bahagi ng pahaya ni Piacenza.
Makikibahagi naman ang Pilipinas na isasagawang sabayang pagdarasal ng Rosaryo sa ika-18 ng Oktubre alas-9 ng umaga- na pangungunahan ng iba’t ibang diyosesis at religious community sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang ACN Philippines ay isa sa dalawang tanggapan ng ACN sa Asia- na nagpadala na rin mga materials para sa isasagawang pagrorosaryo.
Nagsimula ang kampanya na children’s Rosary campaign noong 2005 sa Venezuela kung saan noong nakalipas na taon ay may 69 na bansa ang nakiisa sa prayer campaign.
Maari ding i-download ang materials ng prayer campaign ng ACN sa: http://www.millionkidspraying.org
Sa tala ng pbs.org, umaabot na sa higit 400 libo ang namamatay sa limang taong digmaan sa Syria kung saan may 11.3 milyon ng populasyon nito ang nagsilikas.
Ayon pa sa UNICEF, 8.4 na milyong kabataan ang apektado ng karahasan at kaguluhan sa nasabing bansa.(Marian