180 total views
Kinumpirma ni Dr. Rene Josef Bullecer- isa sa mga doctor ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal na nasa mabuti ng kondisyon ang Kanyang Kabunyian matapos na isugod sa ospital noong Miyerkules, ika-11 ng Oktubre dahil sa Cardiopulmonary Arrest bunsod ng Sepsis o massive infection in the blood.
Ayon kay Dr. Bullecer, agad na isinugod ang Cardinal sa Perpetual Succour Hospital noong Miyerkules ng madaling araw dahil sa mataas na lagnat at hirap sa paghinga.
“Cardinal Vidal now on a stable condition but still in the ICU. after he was rushed to the hospital early morning of Wednesday after complaining of mild fever and breathing difficulties. He nearly suffered cardiopulmonary arrest due to infections in the blood…” pahayag ni Bullecer sa Radyo Veritas.
Tiniyak ni Dr. Bullecer na nasa mas maayos ng konsdisyon ang Cardinal na nagkaroon na muli ng malay matapos na maging kritikal mula ng isugod sa ospital noong Miyerkules ng madaling araw.
Sa kabila nito, nananatili pa rin si Cardinal Vidal sa intensive care unit (ICU) habang patuloy na binabantayan ang kalagayan.
“he just passed the most crucial stage, though still in the ICU but we have signs of improvements compared to yesterday wherein he was completely unresponsive…” Dagdag pa ni Bullecer.
Si Cardinal Vidal ay 86 na taong gulang na sa kasalukuyan at una na ring nakaranas ng mild stroke noong September 2013 at maka-ilang beses ring nagpabalik-balik ng ospital dahil sa Pneumonia noong 2014.
Kaugnay nito, umapela ng panalangin si Dr. Bullecer para sa mas mabilis na paggaling ni Cardinal Vidal.
Si Cardinal Vidal ay nagsilbi bilang Arsobispo ng Cebu sa loob ng 29 na taon bago siya nagretiro noong 2011 at napiling manatili sa Sto. Niño Village sa Cebu City.
Si Cardinal Vidal rin ang isa sa apat na kasalukuyang Cardinal ng Pilipinas bukod pa kina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, and Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales.