164 total views
Huwag opisyal ng militar ang italaga bilang bagong agrarian secretary.
Ito ang hiling ng dating kahilim ng Department of Agrarian Reform (DAR) Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ito’y sentimyento na marami sa ating mga magsasaka dahil sa dumadami ang mga dating opisyal militar na humahawak sa iba’t ibang departamento o ahensya ng ating gobyerno at ako’y nakikisa sa ganoong setimyento na kung mag-aappoint man si President Duterte kung sino ang magiging bagong secretary ng DAR, huwag naman sanang dating opisyal ng militar,” panawagan ni Mariano.
Umaasa si Mariano na hindi manggagaling sa militar ang ipapalit sa kanyang puwesto dahil makapagdudulot ito ng agam-agam sa mga magsasaka at pangamba na maaaring mawala ang kanilang karapatan sa kanilang mga lupa dahil sa militarisasyon.
“Maiintindihan ko ang ating mga magsasaka kung isaisip nila na mas titindi ba ang militarization sa mga land reform areas. Yung kanilang pangamba na ‘ang agrarian reform program implementation ay ibabalangkas na ngayon sa counter insurgency program sa halip na ang adbokasiya dapat ng DAR ay kung paapano maipapatupad ang isang tunay na repormang agraryo na talagang magtitiyak ng ganap na pagmamaya-ri sa lahat ng ating mga landless tillers,” pahayag ng dating kalihim sa Radyo Veritas.
Sa mahigit isang taong panunugkulan ni Mariano bilang DAR Secretary, humigit humigit kumulang sa 27-libong mga kaso ang nadesisyunan nito na karamihan ay may kinalaman sa Agrarian aw implementation habang umabot naman sa 300 ang titulo ang naipagkaloob ng departamento sa mga magsasaka.
Magugunitang noong ika-6 ng Setyembre nang ibasura ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Ka Paeng bilang Agrarian Secretary.
Kaugnay nito, si Mariano na ang ika-apat na miyembro ng gabinete ni Duterte na ni-reject ng komisyon matapos sina Perfecto Yasay, Gina Lopez, Judy Taguiwalo at bago si Paulyn Ulbial.
Una nang ipinaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco na kasabay ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa ay mas napapangalagaan din dapat ang karapatan ng maliliit na tao lupang kanilang tinubuan.